You are on page 1of 2

NOV.

26, 2011 DATE

NR # 2599B
REF. NO.

Plenaryo nakahanda na sa pag-aamyenda sa solo parent law


Nalalapit ng madagdagan ang benepisyong natatanggap ng mga solong magulang, kapag tuluyang nakapasa ang panukalang naglalayong amyendahan ang Republic Act 8972 o ang Solo Welfare Act of 2000. Ayon kay Rep. Marlyn Primicias-Agabas (6th District, Pangasinan), committee chairperson, umaaasa siya na agad na maaaksiyunan sa Mababang Kapulungan ang panukalang ito dahil sa kahalahagan nito sa buhay ng mga solong magulang. Isa na naman ito sa mga social legislation na nagpapalawak sa institutional benefits para sa mga bata at magulang na solong nagtataguyod ng pamilya, ani Rep. Ma. Theresa Bonoan-David (4th District, Manila), isa sa mga naghain ng panukalang ito. Sa ilalim ng panukala, ang bawat kuwalipikadong solo parent ay bibigyan ng solo parent identification card (SPID) kapag nakapagsumite sila ng mga kinakailangan dokumento sa city/municipal social welfare and development officer (C/MSWDO). Amng mga may SPID ay makakatanggap ng benepisyong tulad ng mga suusunod; sampung porsiyentong diskwento sa lahat ng bibilhing damit para sa nanay at sa bata. Magagamit ito sa loob ng dalawang taon mula sa pagkapanganak ng bata; at 15% diskuwento naman para sa babys milk, food at food supplements sa loob din ng dalawang buwan. Maaari ring makadiskwento ng 15 % kapag bumili ng gamot at iba pang gamit pang medikal at iba pang medical supplements/supplies para sa bata sa loob ng limang taon mula nang ipanganak ang bata. Dagdag pa dito, makakatanggap din ng comprehensive package para sa social development and welfare services ang mga solo parents at pamilya nito. Ang Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Department of Education, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Labor and Employment, National Housing Authority, Department of Interior and Local Government, National Economic Development Authority, Council for the Welfare of Children, CWSC, Philippine Commission on Women, National Commission on Muslim Filipinos, National Commission on Indigenous Peoples, PhilHealth, Union of Local Authorities of the Philippines at mga non-government organization sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan ang siyang maaaring mapagkunan ng serbisyo ng mga solo parents. Mahaharap naman sa parusang kulong ng hindi bababa sa anim na taon at di naman lalampas sa isang taon, o di kaya multang di bababa sa P10, 000 at di naman lalampas sa P200, 000 o pareho, batay sa magiging desisyon ng korte, ang sinumang tao na hindi

NOV. 26, 2011 DATE

NR # 2599B
REF. NO.

magbibigay ng tulong at benepisyong nakasaad sa batas na ito. Kung aabusuhin naman ng may hawak ng SPID ang pagkuha ng benepisyo, mahaharap din siya sa parusang anim na buwang kulong o di kayay multang mula sa P5, 000 hanggang P50, 000 o pareho. Ilan sa mga pangunahing nagsulong ng panukalang ito ay sina Reps. Carol Jayne Lopez, Cesar Sarmiento, Diosdado Macapagal Arroyo, Gloria Macapagal Arroyo, Emmi De Jesus, at Teodoro Casio. (30) sb

You might also like