You are on page 1of 22

A LAMAT NG A LAGAW

Noong ika-labinlimang dantaon, humigit kumulang, ang Lumang Taal ay isang masaganang balangay sa talpukan ng alon ng Lawang Bunbon na sakop ni Raha Matapang. Ang Batangan tulad ngayon ay di pa lalawigang natatatag kundi pulu-pulutong na mga balangay sa ilalim ng kapangyarihan ng iba't ibang raha at lakan. Noong panahong iyon ay kaylimit ng mga Moro ang baybay-dagat ng Balayan pati ng Ilog Pansipit. Dahil dito'y nagtakip ang mga munting balangay upang magdamayan at isailalim ang pangangasiwa ng lalong matapang at makapangyarihang lakan. Ang Taal ang pinakamatibay na moog laban sa Kamorohan. Minsan, si Raha Matapang, bantog na mandaragat ay nagpadala ng mga kawal upang sagupain ang mga Moro sa larangan ng digma sa baybayin ng Mindoro. Ito'y kanyang isinagawa upang ang kanyang kaharian ay malayo sa anumang kapinsalaan ng digma. Napabilang sa mga kawal ang binatang si Marahas na uliran sa bait at sigla. Bago lisanin ni Marahas ang kasintahang si Mutyang Marikit ay nagbilin ng ganito, "Minamahal kong Marikit sa pag-alis ko ay dala ko ang kabuhayan at kamatayan. Ang utos ng ating Matanda ay hindi maaaring suwayin. Ikaw ang unang-unang pupuna sa akin kung tatalikdan ko ang tungkuling inatas ng ating balangay." "Oo, lilisan kang baon ang aking pagmamahal." Si Marahas nagpatuloy, "Iiwan ko sa iyong kandili at pag-aruga ang isang halamang ituring mo na ring ako - ang aking sarili. Kung ako'y masawi ito'y malalanta. Kaya siya'y diligan mo at paka-ingatan. Ang luha mo lamang ang tanging lunas." Naghiwalay sila. Nalagas ang mga araw sa tangkay ng panahon. Walang balitang galing kay Marahas. Patuloy rin ang pagmamalasakit ni Marikit sa halamang iniwan sa kanya ng kanyang giliw. Pinagyaman niya ang nasabing halaman sapagka't ito lamang ang naiwang tanging sanla ng irog at taga-pagpaalala ng kanyang katapatan. Isang araw ,ang halaman ay nalanta. Nagsadya siya sa palasyo ni Raha Matapang upang makibalita tungkol kay Marahas. Ang mga kawal na nagbalik mula sa digmaaan ay nagpatunay na si Marahas ay nasawi, nguni't nasawing taglay ang karangalan pagka't sila'y nagtagumpay naman. Umuwi si Marikit na ang puso ay halos mawalat sa kapighatian. Ang tanging aliw lamang sa kanyang sarili ay ang pangyayaring ang kanyang mahal ay namatay sa ngalan ng kabayanihan. Gabi't araw ay dinidilig niya ang mga halaman ng patak ng luha. Sa kanyang matamang pagaalaga ay muling umusbong, lumago ang mga dahong masisinsin, at namumulaklak.

Si Marikit ay naging masasakitin. Subali't ang bawat karamdama'y may lunas. Kung siya'y dadalawin ng sakit ng ulo, ng lagnat, may sipon at nag-uubo ang mga dahon ng halaman at mga bulaklak nito ay kanyang inilalaga. Matapos magpunas sa pinakulong tubig siya'y gagaling agad. Kung sumasakit ang kanyang tiyan, iinom ng tubig na pinaglagaan ng halaman. Natambad sa ka alaman ng madla ang idinudulot nito. Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Marikit hangga't ang buong balangay, di lamang ang buong Batangan kundi ang Katagalugan ay natutong uminom ng alagaw. Subali't bakit tinawag na alagaw ang halaman? Si Marikit ang nagbigay ng ngalan...

A LAMAT NG A MPALAYA
NOONG ARAW, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay. Dito makikitang naghahabulan sina Labanos at Mustasa. Nagpapatintero rin sina Bawang, Sibuyas, Upo at Patola. Nagtataguan sina Singkamas, Talong, at Luya habang nagluluksong-baka sina Kamatis at Kalabasa. Isang araw, umusbong ang isang kakaibang gulay. Siya'y si Ampalaya. Maputlang-maputla ang kulay ng balat niya at sa kahit anong lasa'y salat siyang talaga! Dahil dito, unti-unting pumulupot ang mabalahibong inggit sa katawan ni Ampalaya. Naging bugnutin siya at maiinitin ang ulo. Lahat ng gulay na lumapit sa balag niya ay binubulyawan niya. "Wag kayong lumapit sa akin! Hindi ko kayo kailangan! Layas!" Dahil dito, nilayuan tuloy siya ng lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa. ISANG MAALINSANGANG gabi, isang maitim na balak ang namulaklak sa utak ni Ampalaya. "Kailangang magkaroon din ako ng lasa, kulay at ganda tulad ng ibang mga gulay!" bulong ni Ampalaya sa sarili. Habang nananaginip ang mga gulay, isinagawa ni Ampalaya ang kaniyang balak. Dahan-dahan, gumapang siyang papalapit sa balag ng mga walang kamalay-malay na biktima. Sinunggaban niya ang tamis ni Kalabasa. Isinilid din niya sa bayong ang asim ni Kamatis, pati na ang anghang ni Luya. Nakita rin niyang nakasampay sa bintana ang kaputian ni Labanos. Agad niyang kinuha ito. Sinaklot din niya ang lilang balat ni Talong at ang luntiang pisngi ni Mustasa. Ipinuslit din niya ang lutong ni Singkamas, ang manipis na balat ni Sibuyas, ang malasutlang kutis ni Kamatis at maging ang gaspang ni Patola. "Ha! Ha! Ha! Ha! Sa wakas! Nasa akin na ang lahat ng lasa, kulay, at ganda! Siguradong kaiinggitan ako ng lahat ng gulay!" sabi ni Ampalaya sa sarili. KINABUKASAN, umalingasaw ang balita tungkol sa nakawang naganap. Nagtipon-tipon ang lahat ng gulay. Lumuwa ang mga mata ng lahat nang biglang dumating ang isang diinaasahang bisita: isang dayuhang gulay. Iba't iba ang kulay ng balat niya at kaya pa niyang mag-iba-iba ng lasa! Kahanga-hangang gulay talaga! Ngunit para kay Kamatis, kaduda-duda ang pagkagulay ng bisita. Kaya't kinagabihan, tinipon niya ang mga kasamang gulay ay sama-sama silang nanubok sa balag ng dayuhang gulay. Kitang-kita nila ang dayuhang gulay, nakaharap sa salamin, habang isa-isang hinuhubad ang mga lasa, kulay at ganda mula sa katawan niya. Nagulat sila nang tumambad sa harap nila ang isang maputlang gulay: ang bugnuting si Ampalaya!

ISINAKDAL SA HARAP ng Kalunti-luntian, Kasari-sariwaan, Kasusta-sustansiyang Hukuman ng mga Gulay si Ampalaya. Dumating sa paglilitis ang lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa. Nandoon din bilang hukom ang mga diwata ng Araw, Lupa, Tubig, at Hangin. "Hindi pa nililikha ang gulay na nagtataglay ng lahat ng lasa, kulay, at ganda ng Kalikasan!" sigaw ng diwata ng Araw. "Ikaw ay napatunayang nagkasala laban sa batas ng mga gulay at sa batas ng Kalikasan," bulong ng diwata ng Lupa. "A-ampalaya, ikaw ay parurusahan..." hikab ng diwata ng Tubig. "Bilang parusa, lahat ng ninakaw mong lasa, kulay, at ganda mula sa mga kasama mong gulay ay mapapasaiyo na," ugong ng diwata ng Hangin. "Parusa ba 'yon? Ano bang klaseng parusa 'yon?" buska ng bugnuting si Ampalaya. Pagkaraan ng paglilitis, nangako ang mga diwatang ibabalik nila ang mga lasa, kulay at ganda ng mga gulay na ninakawan ni Ampalaya. At nang gabing iyon, may kagila-gilalas na nangyari kay Ampalaya. Nag-away ang lahat ng lasa, kulay at gandang ninakaw ni Ampalaya sa loob ng katawan niya! Nang magsuntukan ang puti, luntian, lila, dilaw, at iba pang kulay, nagmantsa ang madilim na luntian sa kaniyang balat. Nang magsabunutan ang kinis at gaspang, lumabas ang kaniyang mga kulubot. At nang magsigawan ang tamis, asim, at anghang, lumitaw naman ang pait. MULA NOON, naging madilim na luntian ang kulay ni Ampalaya. Naging kulubot ang balat niya. At naging mapait ang lasa niya. Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya. Pero alam n'yo, nagsisi na si Ampalaya. Sa susunod n'yo siyang makita sa inyong pinggan, subukan n'yo siyang tikman at patawarin sa kaniyang mga kasalanan.

A LAMAT NG A POY
Noong unang panahon, wala kang mapapansing apoy sa paligid. Ang tanging apoy na makikita mo ay binabantayan ng dalawang higante sa isang malaking yungib. Gustung-gusto ng mga taong magkaroon ng apoy upang ang kadiliman ng gabi ay maliwanagan. Pero mahigpit magbantay ang dalawang higante. Ayaw nilang magbigay ng apoy kaninuman. Tanging ang maabilidad na si Lam-ang ang nakaisip ng paraan. Tinawag niya ang ilang hayop na kaibigan. Sinabi niya ang isang plano kung paano makaaamot ng apoy na inaasam-asam. Pinatayo ni Lam-ang ang Palaka sa kabukiran. Pinatindig niya ang Kabayo sa paanan ng bundok. Pinagbantay niya ang Alamid sa buhanginan. Pinaghintay niya ang Aso sa palanas. Pinagmanman niya ang Baboy-Damo sa lambak na malapit sa kwebang tirahan ng mga higante. Matapos suriin ang katauhan ng dalawang kinakatakutang nilalang, nahinuha ni Lam-ang na totoo ngang mapanganib na kalabanin ang mga higante pero may puso rin ang mga ito kung pakikipagkaibigan ang layunin ng tao. Sinikap na kaibiganin ni Lam-ang ang dalawang nalulungkot na nilalang. Nang makuha niya ang simpatiya ng dalawang higante ay sinabi niya ang hinaing ng mga tao. "Kailangang-kailangan ng mga kababayan ko ang munting titis ng apoy na binabantayan ninyo. Maaaring bang umamot sa inyo ng kahit katiting man lang nito?" Napakunot ng noo ang dalawang higante, "Bantay kami ng apoy na ito. Ikinalulungkot naming hindi ka mabibigyan ng kahit na maliit na ningas nito." "Maawa na kayo sa mga tao. Mapapabuti ng apoy ninyo ang kabuhayan ng mga kalahi ko." "Akala ko ay nakikipagkaibigan ka, bakit kailangang ipakiusap ang hiling ng mga kalahi mo?" nagtatakang usisa ng unang higante. "Katulad ka rin ng iba na may masamang layunin sa paglapit sa amin. Naiiba ka lang sa kanila sapagkat nakipagkaibigan ka muna bago ipinilit ang masamang layunin," nagngangalit ang mga ngiping sabi ng ikalawang higante. "Kaaway ka rin namin! Kaaway! Kaaway!" Nang mapansin ni Lam-ang na nanginginig ang mga baba at nawala ang pagtitiwala ng mga higante ay inunahan na niya ang mga ito sa pagtayo. Mula sa pintuan ng kweba ay kaagad siyang humudyat sa Baboy-Damo na biglang umatungal. Umalulong kaagad ang Aso sa

palanas. Humiyaw ang Alamid sa buhanginan. Humalinghing ang Kabayo sa paanan ng bundok at kumokak nang kumokak ang Palaka sa kabukiran. Lalong pinagbuti ng mga hayop ang sama-samang pambubulahaw. Pinagsabay-sabay nila ang malalakas nilang tinig na pilit na isinisigaw. Gusto nilang tulungan si Lam-ang. Gusto rin nilang tulungan ang lahat ng tao sa sandaigdigan. Ang maliit na titis ng apoy ay simula ng isang bagong kinabukasan. Ang pinagsama-samang atungal, alulong, ngiyaw, halinghing at kokak ay lubhang tumakot sa nanginginig na mga higante na napatakbong palabas sa kweba. Mabilis na nagpasiya si Lam-ang. Kaagad siyang nagnakaw ng maliit na titis ng apoy. Itinakbo niya itong papalabas pero nakita siya ng mga higante na galit na galit na humabol. Lalong binilisan ni Lam-ang ang pagtakbo. Tiyak na papatayin siya ng dalawang higante kapag inabutan sa daan. Tumakbo siya nang tumakbo. Hapung-hapo na siya subalit gusto niyang mapagwagian ang apoy na ipinakikipaglaban alang-alang sa sandaigdigan. Babagsak na sana siya sa pagod nang dali-daling maabot ng naghihintay na Baboy-Damo ang nagniningning na titis ng apoy. Umaatikabong habulan na naman ang naganap. Aabutan na sana ng mga higante ang Baboy-Damo nang mahawakan ng umaalulong na Aso sa palanas ang nagdiringas na apoy. Habulan uli. Lawit na ang dila ng Aso sa kakatakbo pero pinanindigan nito ang pagtulong sa mga tao. Bibigay na sana ang hilahod na Aso nang abutin naman ng nagngingingiyaw na Alamid sa buhanginan ang nagliliyab pang apoy. Sige pa rin ito sa pagtakbo. Sige rin ang dalawang higante sa paghabol dito. Habang napapagod ay lalong lumalakas ang dalawang dambuhala. Mabibilis pa rin ang mga higante. Paspas din sa pagtakbo ang Alamid na animo hangin sa bilis. Matagal ang habulan. Hapo na ang Alamid pero kapag naiisip ang pagtulong kay Lam-ang at sa daigdig ay nag-iibayo ang sigasig nito. Hihimatayin na sana ang Alamid nang parang buhawing agawin ng Palaka sa kabukiran ang aandap-andap na titis na apoy. Mabilis pa sa alas-kwatrong tumalon nang tumalon ang palaka. Mataas ang talon nito papalayo sa nag-aalborotong higante. Sa laki ng mga hakbang ng dalawang dambuhala ay naabutan nila ang palaka at nahawakan ang mahabang buntot nito. Inisip ng Palaka ang pangako nito na pagtulong kay Lam-ang at sandaigdigan kaya ubod lakas pa rin itong nagtatalon na ikinaputol ng kanyang buntot. Sa pagsisikap na marating ang mga tao ay isang napakataas na pagtalon ang ginawa nito na naging dahilan upang makuha ng sandaigdigan ang maliit na titis ng apoy. Ang buong lakas na pagtalon ang ikinaluwa ng mga mata ng pobreng Palaka. Naabot ng mga tao ang apoy na nagpaunlad sa sandaigdigan. "Mabuhay si Lam-ang!" sigaw ng kalalakihan. "Mabuhay ang apoy ng tagumpay!" pagbubunyi ng kababaihan. Sa pagkapahiya ng mga higante ay nagbalik sila at nagkulong sa kanilang kweba. Iyan ang simula ng pagkakaroon ng apoy sa daigdig.

A LAMAT NG B AHAGHARI
Noong unang panahon may mag-asawang Manobo na naninirihan sa baybayin ng mga Isla ng Saranggani. Bagama't maginhawa ang kabuhayan, malungkot ang mag-asawa sapagkat hindi sila biniyayaan ng kahit na isang anak man lamang. Lahat ng uri ng mga halamang gamot na ipinayo sa kanila ay walang naidulot na mabuting epekto. Ito ang dahilan kung kaya malungkut na malungkot ang dalawa. Sumangguni sila sa mga nakatatanda na nagpayong, "Kung hindi magamot ng tao, Diyos ang balingan ninyo." Nagpasyang makipagkita kay Walian ang mag-asawa. Ang Esperatista ay nagdasal upang ihatid ng Diwata ng Pagdadalangtao ang kanilang kahilingan. Ilang buwan lang ang nakaraan ay tuwang-tuwa nang ibinalita ng babae sa asawa na siya ay buntis na. Nagpasalamat ang mag-asawa kay Bathala sa magandang handog sa kanila. Isang malusog na sanggol na babae ang naging supling nila na pinangalanang Blunto. Lumaking napakaganda nito. Ipinagkakapuri ng mga tribung Manobo ang angking kariktan ni Blunto. Bukod sa ganda, masipag na masipag din ang dalagita. Tinamnan niya ng makukulay na bulaklak ang paligid ng bahay nila. Magaganda ang lumaking mga rosas, ilang-ilang at kamya. Nakakatawag pansin ang bugambilya, santan at ehampaea. Nakakabighani rin ang rosal, dama de noehe at orkidya. Parang may magneto ang mga kamay niya. Bawat halamang madiligan ay pinamumulaklakan. Bawat bulaklak na bumukadkad ay kinagigiliwan. Lagi nang nagpapasalamat si Blunto sa Araw at Buwan sa pagtanglaw nila sa mga bulaklak dumilim man o lumiwanag. Isang gabi, habang pinanonood ni Blunto ang marahang pamumukadkad ng mga bulaklak ay nagulat siya sa isang parang panaginip na nabanaagan niya mula sa dagat-dagatan. Hindi siya nagkakamali. Isang makisig na binata ang sakay ng isang puting kabayong lumilipad sa alapaap. Hindi alam ni Blunto na ang Araw at Buwang pinasalamatan na Hari at Reyna ng Kaitaasan ay natanawan siyang namimintana sa kanilang tinitirhan. Alam nilang mabuti ang kalooban ni Blunto na angkop na makilala ng kaisa-isa nilang anak. Iyon ang dahilan kaya parang panaginip na ipinatanaw nila sa dalagita ang katauhan ng anak nila. Maya-maya pa ay biglang naglaho ang papalapit na sanang binata. Kinaumagahan, iniisipisip ni Blunto kung panaginip nga lang ba ang nakita niyang makisig na binata, at puting kabayong lumilipad sa alapaap?

Isang umagang nagdidilig ng mga bulaklak si Blunto ay binulaga siya ng isang tinig. Paglingon niya ay hindi siya makapaniwala. Ang lalaking makisig sa kaniyang panaginip ang kaharap niya. Nakikiusap itong makikiinom sa matinding uhaw sa pamamasyal. Hindi na inusisa pa ng dalaga kung saan galing ang kausap niya. Para sa kaniya, sapat nang masaya siya habang kinakausap ng bisita. Nakipagkilala ang makisig na binata. Sinabi nitong sa isang napakalayong lugar siya nakatira na mahirap puntahan ninuman. Naging pala-isipan kay Blunto ang misteryosong binata. Hindi na niya itinanong kung ito nga ba yung binatang nakasakay sa puting kabayong lumilipad sa alapaap. Sapagkat nahihiya naman siyang sundan at tingnan kung nasaan ang may pakpak na kabayo, nakuntento na siyang nakita niya ang maamong mukha at nangungusap na mga mata ng isang binatang taos pusong iibigin niya. Laging hinihintay ni Blunto ang paglubog ng araw. Nangangahulugan kasi itong maaari na namang maligaw sa hardin niya ang makisig at mabait na binatang tinitingala niya. Hindi nagkamali ng sapantaha ang dalagita. Tuwing hapon nga ay dinadalaw siya ng panauhin niya. Lubos na napagsino ni Blunto ang kabaitan at katapatan ng binata. Ang makisig na panauhin ay nabighani rin sa kagandahan ni Blunto. Bukod sa panlabas na anyo, ang binata ay humanga sa natural na pag-uugali ng dalagita. Matapat at simpleng-simple lang ang mga gawi nito. Mapagkakatiwalaan mo si Blunto. Naniniwala ang makisig na binata na hindi panlabas na anyo ang dapat maging husgahan ng isang nagmamahal. Kailangang may katuwaan ka sa puso kapag kasama mo ang dalagang pakakasalan mo. Kailangang iisa ang tinatanaw ninyong pangarap. Kailangang gusto mo siyang makasama sa buhay at kamatayan. Pero bata pa si Blunto upang tumanggap ng seryosong pakikipag-ibigan. Sapagkat wagas ang pagmamahal, matagal ding naghintay ang binata. Ilang taon din ang binilang bago tanggapin ni Blunto ang pag-ibig ng binata. Nang sagutin siya ng matamis na oo ay ipinagtapat ng misteryosong ginoo ang kaniyang tunay na katauhan. "Blunto, mahal ko, gusto kong malaman mo kung sino talaga ako." Sinabi ng binata na anak siya ng Haring Araw at Reyna Buwan. Na bumaba siya sa lupang sakay ng puting kabayong may pakpak mula sa kaitaasan. Na ipinadala siya ng mga magulang upang ipasabi sa dalagang nakararating sa kanila ang mga dasal ng pasasalamat na siyang dahilan upang ang mga tanim niya ay mag-usbong at mamulaklak. Na natutuwa ang mga magulang niya sa pagkakaroon ng isang nilalang sa daigdig na may busilak na kaloobang hindi mapapantayan ng anumang kayamanan.

Binanggit din ng binata na alam na ng mga magulang niya ang damdamin nito sa dalaga. Na siya ay umiibig nang wagas kay Blunto. Na ipagsasama niya ang dalaga upang pakasalan sa kanilang kaharian sa kaitaasan. Nang pituhan ng binata ang puting kabayo na nagkakanlong sa mga puno ay naniwala na si Blunto sa sinasabi ng binata. Totoo nga palang may puting pakpak ang kabayo na katulad sa panaginip na nabanaagan niya maraming taon na ang nakaraan. "Hindi panaginip ang nakita mo, mahal ko. Ako yon na nagpakita sa iyo mula sa alapaap sa ibabaw ng dagat!" Sapagkat matagal nang minahal ni Blunto ang misteryosong mangingibig ay pinakiusapan niya itong ipagpaalam siya sa mga magulang. Sapagkat parang kabubukadkad pa lang na bulaklak si Blunto kaya tumutol ang mga magulang niya sa pagpa-paalam. Ayaw mawalay ng mga magulang ang nag-iisa nilang anak. Nagtangkang magtanan ang magsing-irog pero nahuli sila. Lalo tuloy hinigpitan ang dalaga. Bilang parusa, ikinulong si Blunto sa bahay nila at itinaboy ang misteryosong binata. Sa sobrang kaiungkutan, ang dalaga ay nagkasakit. Lubos na nag-alala ang kasintahan niya. Kahit na anong sibat ang iharang ay nagmamakaawa pa rin itong dalawin ang kasintahan. Sa pagpupumilit ng binata ay naaawa naman ang mga magulang ni Blunto. Ibinase nila ang pagpapalaya sa anak sa matapat na pag-ibig ng binata. Sa takot na baka magkasakit na muli ang kaisa-isang anak ay pumayag na silang iuwi ng binata sa kaharian ng Araw at Buwan ang kaisa-isa nilang anak na pinakamamahal. Nanindigan ang mga magulang ni Blunto na kailangan munang maikasal sa lupa ang dalawa bago umalis papuntang kaitaasan. Simple subalit makabagbag-damdamin ang idinaos na kasalan. Magkahalong lungkot at saya ang nadama ng mga magulang ni Blunto. Saya na may makakatuwang na sa hirap at ginhawa ang anak nila. Lungkot, sapagkat maialayo na ang tanging anak na pinanggagalingan ng kanilang katuwaan sa araw-araw. Pagkatapus na pagkatapos ng seremonya ay nagpaalam na ang mga bagong kasal. Sakay ng puting kabayong maglilipad sa kanila sa kaitaasan, dala-dala nila ang makukulay na bulaklak na pararamihin nila sa kaitaasan. "Ama, Ina," luhaang pagpapaalam ni Blunto, "kung malulungkot po kayo ay tumingin kayo sa kalangitan at tiyak na makikita ninyo ang mga bulaklak na tanim ko. Kapag nakita ninyo ang mga makukulay na arko ng mga bulaklak ay tiyak na naroroon ako at tinatanaw ko kayo."

Mahigpit na niyakap ng mga magulang ang kaisa-isang anak at matapat na kinamayan ang manugang nila. Sa isang kisapmata ay nasa kalawakan na ang mga bagong kasal na kumakaway sa mga Manobong nagsisipagbunyi. Ilang araw lang ang lumipas ay malungkot na ang ama at ina ni Blunto. Subalit tulad ng pangako ng anak ay matatanaw nga naman sa kaitaasan ang arko ng mga bulaklak na sa lupa ay parang makulay na bahag ng hari. Bagama't pinanginginigan ang mga labi ng kalungkutan ay mapapansin din naman ang katuwaan sa mga mukha ng mga magulang. Habang tumatagal ay lalong nagiging makulay ang bahaghari ng kalikasan. Iyan ang alamat ng Bahaghari ng mga taga-Isla Saranggani sa Mindanaw.

A LAMAT NG A SO
Noong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang maa-anak na tahimik at masayang namumuhay sa loob ng kakahuyan. Ang ama na si Roque ay mabait at mapagkalinga sa kanyang pamilya. Nagtatanim siya ng mga gulay at nanghuhuli ng mga hayop sa gubat upang kanilang pagkain. Samantalang ang ina naman na si Magda siyang nag-aasikaso sa kanilang bahay at dalawang anak na sina Maria at Jose. Minsan, nagulat ang pamilya sa pagdating ni Roque mula sa mga pusang gubat nang ito ay maligaw. Inaalagaan nito ng pamilya. At sa paglipas ng panahon, naging malakas na ang lalaki na nakilala nilang Damaso. Isinalaysay ni Damaso na pinalayas siya ng kanyang amo dahil sa hindi niya nabantayan ang taniman nito ng ubas, naging dahilan upang manakaw ang bunga ng mga ito. At sa kanyang paglayas, naligaw siya sa gubat at inatake ng maraming alamid. Naawa naman ang pamilya kay Damaso, kaya doon na pinatira sa bahay nila ito. Itinurig nila iting kapamilya at nakatulong pa si Roque sa pang-araw-araw na pahahanap ng pagkain. Ngunit lingid kay Roque, may namumuong lihil na pagkagusto sina Magda at Damaso sa isa't isa. At isang araw nga, nagpasya sina Damaso at Magda na tumakas at mamuhay sa ibang lugar. Nag-iyakan ang dalawang bataang sina Maria at Jose. "Ina, huwag mo po kaming iwan!" ang iyak ni Maria. "Oo nga po! Mang Damaso, huwag n'yong kunin an gaming ina!" ang iyak ni Jose. Ngunit hindi naapigilan sina Magda ng kanyang mga anak. Sumakay pa ri sila ng bangka at umalis na kasabay na agos no ilog. Lalong nag-iyakan ang dalawang bata. Nais sanang magbago ng isip si Magda, ngunit nanaig ang kanyang pagkagusto kay Damaso. Mula sa malayo, anong gulat nila Magda nang makitang nagtalunan sa ilog sina Maria at Jose upang humabol. Napatayo si Magda sa bangka, dahil alam niyang hing marunong lumangoy ang dalawang bata. Siyang pagdating ni Roque, na agad ding tumalon sa ilog upang iligtas ang mga anak. Ngunit lumakas ang agos ng ilog, at napailalim sat big ang mag-aama.

Mula sa malayo, natanaw nina Magda at Damaso ang pangyayari. At sising-sisi ang dalawa sa kanilang nagawa, lalo pa't hindi na nila nakitang pumaimbabaw sa tubig ang mag-aama. Bigla, mula sa tubig ay isang babae ang lumutang sa hangin. "Masahol pa kayo sa mga hayop! Dahil sa inyong makasariling pagnanasa ay nagawa ninyong saktan ang ibang tao. Dapat lamang kayong maging kauri ng hayop," ang wika ng babaeng diwata pala ng ilog. Bigla ang pagbabago ng anyo ni Magda at Damaso.Ang kanilang katawan ay napuno ng balahibo, humaba ang kanilang mga nguso, tumalim ang mga ngipin at nagkapangil, bagkus ay ungol at kaktwang ingay ang lumalabas sa kanilang bibig. "Mananatili kayo sa ganyang anyo, hangga't ikaw Damaso, ay hindi natutong tumanaw ng utang na loob sa tong nagpapala sa iyo. At ikaw Magda, hangga't hindi mo naipapakita ang tunay mong pagmamahal sa iyong mga magiging aaanak," at nawala na ang diwata pagkawika niyon. Ang dalawang isinumpa ay namuhay sa kakahuyan. Nagkaroon sila ng maraming anak. Sila ang unang angkan ng mga aso sa daigdig. At sa pagdami ng mga tao, ang mga aso ay naging alaga nila sa kanilang mga tahanan. At hanggang ngayon nga ay pinatutunayan pa rin ng mga aso na sila ay tapat sa kanilang mga amo. Binabantayan nila ang mga bahay ng kanilang amo at ipinagtatanggol ang mga ito sa mga kaaway, upang patunayan na tumatanaw sila ng utang na loob, sapagkat umaasa pa rin silang mawawala ang sumpa ng diwata. Ang mga inahing aso naman ay labis na binabantayan ang kanilang mga tuta, upang sa ganun ay papatunayan ding marunong na silang magmahal sa kanilang mga anak. Kaya't maging maingat tayong makasakit ng ibang tao, lalo na ang nagpapala o tumutulong sa atin, sapagkat may kaparusahan sa mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob na tulad ni Damaso, at ganun din sa mga taong hindi marunong magmahal na tulad ni Magda.

A LAMAT NG A RAW , B UWAN AT MGA B ITUIN


Noong unang panahon ang paligid ay pawang kaliwanagan. Wala pa noong gabi sapagkat laging magkasama ang Araw at ang Buwan. Bilang mag-asawa, pala-utos ang Araw sa Buwan. Hindi nito binibigyan ng kapantay na karapatan ang Ina ng Tahanan. Sobra naman sa bait si Buwan. Lahat ng utos ni Araw ay sinusunod niya. Kahit na ang ipinag-uutos ay dapat na suriin at pabulaanan. Minsang magbalak mamasyal si Araw ay inutusan niya si Buwang ipaglaga siya ng mga dahon ng gabi. "Kailangang puno ng nilagang dahon ng gabi ang palayok pagbabalik ko!" utos ni Araw sa nahihintakutang si Buwan. "Pe... pero tiyak na uurong ang mga dahon ng gabing ilalaga ko," marahang paliwanag ng Buwan na mistulang sunud-sunuran sa kaniyang asawang naghahari-harian. "Basta tiyakin mong puno ng dahon ng gabi ang palayok pagbabalik ko!" pasigaw na diin ng Araw sa nanginginig na maybahay. Nag-iiyak nang nag-iiyak ang Buwan. Alam niyang hindi mapupuno ang palayok kapag nilaga sa kalan. Sapagkat lubos na mabait ang Buwan, pinagtiyagaan niyang lutuing mabuti ang mga dahon ng gabi. Pero kahit sikaping mapuno ang palayok ay hindi niya ito magawa. Lagi at laging may bakante pa ring lugar sa loob ng palayok na pinagpapakuluan. Nang magbalik ang Araw at itanong ang mga dahon ng gabi ay napaihng ang Buwan. "Gi...ginawa kong lahat ang makakaya ko pe....pero hindi ko mapunu-puno ang palayok sapagkat umuurong ang mga dahon ng gabing inilalaga ko." "Laging ganiyan ka!" panumbat ng Araw. "Noong isang linggo pinapalitan ko sa iyo ng ibang kulay ang asul na karagatan pero di ka man lang nakasunod sa aking kautusan! At hindi ba pinakiusapan din kitang pantayin ang lahat ng burol at bundok sa kanluran pero ano ang ginawa mo? Ipinagkibit balikat mo lang ang utos ko!" "Asawa mo ako at di utusan!" ngumatal ang boses ng galit na galit na Buwan. "Pantay lang ang ating karapatan. Kung utusan ang turing mo sa akin, mabuti pang tayo ay maghiwalay." "Aba, kung yan ang gusto mo ay susundin ko," taas noong sagot ni Araw. "Ako ang ina ng mga bata kaya kailangang sa akin sila sumama." "Para mamatay sa lamig mo?" nanghahamong tugon ng Araw. "Paano kung isasama mo sila? Tiyak na mamamatay sila sa sobrang init mo!" "Sa akin dapat sumama ang mga bata. Ako ang ama nila!"

"Ako ang ina na laging kayakap nila!" Nag-away ang dalawa. Sa paghahatakan nila sa mga anak ay nahulog ang mga bata sa kalawakan. Mabilis na hinabol ng Buwan ang mga anak na naging kumpol ng Bituin sa kalangitan. Ang Araw ay kuntento namang naghihintay na lamang sa kaniyang makinang na trono sa kalangitan. Hinihintay pa rin niya ang pagbabalik ng asawa at mga anak. Mapapansing sa umaga at katanghalian matatanaw natin ang mapagmalaki at magagaliting Araw sa kalangitan. Sa gabi naman, makikita natin ang malamlam na liwanag ng Buwan at kikislap-kislap na mga Bituin sa kaitaasan.

A LAMAT NG C HOCOLATE H ILLS


Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak subali't ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subali't kapag tag-ulan ito ay maputik at siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman ay maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook. Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may dalawang higanteng dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Ang mga naninirahan doon ay nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kaya't nilisan pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawang higante. "Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!" Ito'y aking pag-aari at umalis ka na," galit na sinabi ni Higanteng mula saTimog . " Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin." "Aba!, ako yata ang nauna rito at ito'y pag-aari ko na!" sagot ding galit ng higante mula sa hilaga. "Ikaw dapat ang umalis!" "Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!" sabay padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig ang lugar na parang lumilindol. "Lalong hindi maaari!" mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga. Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila. Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subali't gumanti rin ang isa at humulma rin ng isang bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga. Tumumba ang dalawang higante na wala ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari na tagaroon. Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ng mga naabing higante sa pagbabatuhan. Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon. Namuhay ng mapayapa at masagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate na sila ring napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate Hills.

A LAMAT NG B UWAN AT MGA B ITUIN


Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Narito sa alamat na ito ang mga sagot. Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay. "Maria, magbayo ka ng palay," ang wika ng ina. "Opo," ang sagot ni Maria, nguni't hindi siya kumilos. "Maria, magmadali ka," ang tawag na muli ng matanda. "Wala tayong bigas na isasaing." "Opo, sandali po lamang," ang tugon ni Maria, nguni't hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig. "Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka," ang galit na galit na utos ng matanda. Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kapag galit na galit na ang kanyang nanay ay dapat siyang sumunod nang madali. Nagbayo na siya nang nagbayo ng palay. Pagkatapos ng ilang sandali, siya ay pinawisan. "Napupuno ng pawis ang aking kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili. "Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabit ang mga ito sa langit na noon ay mababang-mababa at naabot ng kamay. Samantalang siya ay nagbabayo ay tinitingnan ang suklay at kuwintas. "Kay ganda ng aking suklay at kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili. "Pagkatapos na pagkatapos ko nang pagbabayo ng palay ay isusuot ko uli ang aking suklay at kuwintas." Sa gayong pagsabi ay dinalas niya ang pagbabayo ng palay upang ito ay matapos at maisuot niya uli ang suklay at kuwintas. Tumaas nang tumaas ang pagbuhat niya ng halo at dumalas nang dumalas ang pagbagsak nito sa lusong. Umaabot na pala ang dulo ng halo sa langit, nguni't hindi niya napapansin. Sa palay na ngayon ang kanyang tingin. Tinitingnan niya kung malapit na siyang makatapos upang maisuot niya ang suklay at kuwintas. Itinaas pa niyang lalo ang pagbuhat ng halo upang lumakas ang pagbagsak nito sa lusong at nang madaling mabayo ang palay.

Sa bawa't pagtaas pala niya ng halo ay bumubunggo ang halo sa langit at sa bawa't pagbunggo naman ay tumataas ang langit. Nang mapuna ni Maria ang nangyayari ay mataas na ang langit. Tangay-tangay ang kanyang gintong suklay at kuwintas. Hindi na niya maabot ang mga ito. Tumaas nang tumaas ang langit. Tumaas din nang tumaas ang suklay at kuwintas. Noong gabing yaon ay umupo si Maria sa may bintana at tinintingnan niya ang langit na ngayon ay mataas na mataas na. Hinanap niya ang kanyang suklay at kuwintas. Naroroon ang kanyang gintong suklay at siyang naging buwan. Ang mga gintong butil ng kanyang kuwintas at nagkahiwa-hiwalay at siya namang naging mga bituin. "Lalong maganda ngayon ang aking gintong suklay," ang wika ni Maria sa kanyang sarali, "At anong kinang ng mga butil ng aking kuwintas!"

A LAMAT NG B UTIKI
Noong araw, sa isang liblib na nayon ay may mag-ina na naninirahan sa tabi ng kakahuyan. Ang ina; si Aling Rosa ay isang relihiyosang babae. Palagi siyang nagdarasal, at sinanay din niya ang kanyang anak na lalaki na magdasal at mag-orasyon bago sumapit ang dilim. Ang anak; si Juan ay isang mabuti at masunuring anak. Palagi niyang sinusunod ang utos ng kanyang ina tungkol sa pagdarasal. Bago dumilim, kahit saan sya naroon ay umuuwi siya upang samahan ang ina sa pag-oorasyon sa tapat ng kanilang bahay. Maagang namatay ang asawa ni Aling Rosa, natutuwa naman siya at naging mabait ang kanyang anak na si Juan, na nakatuwang niya sa pagtatanim at paghahanap ng mga makakain. Sa paglipas ng panahon, mabilis na tumanda si Aling Rosa, at si Juan naman ay naging isang makisig na binata. Si Aling Rosa an nanatili na lamang sa bahay at palaging nagpapahinga, samantalang si Juan ay siyang naghahanap ng kanilang makakain sa araw-araw. At kahit mahina na si Aling Rosa ay hindi pa rin nila nakakalimutan ni Juan ang magdasal. Minsan, habang si Juan ay nangunguha ng bungangkahoy sa gubat, isang babae ang kanyang nakilala; si Helena. Si Helena ay lubhang kaaki-akit, kung kaya't agad umibig dito si Juan. At dahil sa panunuyo ni Juan kay Helena, gabi na ito nang makauwi. "O anak, ginabi ka yata ng uwi ngayon. Hindi mo na tuloy ako nasamahang mag-orasyon," ang wika ni Aling Rosa sa anak. "Pasensiya na po, Inay! Nahirapan ho kasi akong maghanap ng mga prutas sa gubat," ang pagsisinungaling ni Juan. Dumalas ang pagtatagpo ni Juan at Helena sa gubat. Nahulog ng husto ang damdamin ni Juan sa dalaga. Hangang minsan, nabigla si Juan sa sinabi ni Helena. "Hanggang ngayon ay hindi ko pa nararamdaman na tunay ang pag-ibig mo sa akin, kaya nagpasya ako na ito na ang huli nating pagkikita." "Ngunit, bakit? Sabihin mo, paano ko mapapatunayan sa iyo na tunay ang aking pag-ibig. Sabihin mo at kahit ano ay gagawin ko," ang pagsusumamo ni Juan. "Maniniwala lamang ako sa pag-ibig mo, kung dadalhin mo sa akin ang puso ng iyong ina na nasa iyong mga palad!" ang matigas na wika ni Helena.

Hindi makapaniwala si Juan sa narinig. Malungkot itong umuwi dahil binigyan siya ng taning ni Helena. Kailangan niyang madala ang puso ni Aling Rosa bago maghatinggabi Nang dumating si Juan sa kanilang bahay ay agad siyang niyaya ni Aling Rosa na magorasyon. Nagtungo ang mag-ina sa harap ng kanilang bahay. Ngunit habang nagdarasal iba ang nasa isip ni Juan. Naiisip niya ang pag-iibigan nila ni Helena. At bigla, hinugot ni Juan ang kanyang itak at inundayan si Aling Rosa sa likod. Bumagsak sa lupa ang ina ni Juan, at kahit nanghihina na ay nagsalita ito. "Anak, bakit? Ngunit anupaman ang iyong dahilan ay napatawad na kita. Ngunit humingi ka ng tawad sa Diyos! Napakalaking kasalanan ang nagawa mo sa iyong sariling ina," ang umiiyak na wika ni Aling Rosa. "Dios ko po, Inay! Patawarin n'yo ako!" ang nagsisising nawika ni Juan na nagbalik sa katinuan ang isip. Umiyak nang husto si Juan lalo na nang pumanaw ang kanyang ina. Kasabay niyon ay bigla na lamang nagbago ang anyo ni Juan. Siya ay naging isang maliit na hayop na may buntot. Si Juan ay naging isang butiki; ang kauna-unahang butiki sa daigdig. Mula sa malayo, natanaw ni Juan si Helena na papalapit. Nasindak si Juan nang makita niyang si Helena ay naging isang napakapangit-pangit na engkanto. Humalakhak itong lumapit. Sa takot, dagling gumapang si Juan papanhik ng bahay hanggang makarating sa kisame. Nakita rin ni Juan ang engkanto, sa labis na katuwaan ay naging iba't ibang uri ng kulisap at insekto, at naglaro sa paligid. Agad na pinagkakain ng butiking si Juan ang mga kulisap na napagawi sa kanya. At dahil doon ay hindi na nakabalik sa dating anyo ang engkanto, at nagtago na lamang ito sa mga halamanan bilang kulisap. Nagsisi ng husto si Juan ngunit huli na. At bilang pag-alala sa kanyang ina, sinasabing si Juan at ang sumunod pa niyang lahi ay patuloy na bumababa sa lupa bago dumilim upang mag-orasyon. At hanggang sa ngayon nga ay patuloy pa ring pinupuksa ng mga butiki ang mga kulisap na sa paniniwala nila ay mga engkanto.

A LAMAT NG B AWANG
Mapag-aruga at mapagmahal na ina si Uganda. Hinahangaan siya ng lahat sa pagsisikap na mapalaking mabait ang kaisa-isang anak na si Kulala. Ulila na sa ama si Kulala. Bata pa siya nang matuklaw ng ahas sa bundok ang kaniyang ama. Totoong mahirap lumaking walang ama. Para kay Kulala, hindi buo ang pamilya nila kung patay na ang isa sa mga magulang niya. Noong una ay hirap din si Uganda. Ina lang sana ang papel na ginagampanan niya. Nang mamatay ang asawa, siya na ang ina, siya pa rin ang naging ama. Pero kahit nag-iisa na siya ay hindi na niya inisip mag-asawa. Pinagsikapan niyang palakihin sa mabuting asal si Kulala. Sa sobrang hirap na dinadanas, may ambisyon ding gustong maipakamit si Uganda sa anak. Nais niyang makapag-asawa ito ng mayaman upang malayo sa karalitaang kanilang naranasan. Sa pakiwari ni Uganda, marapat lamang na bumuti ang buhay ni Kulala. May kasabihang ang kagandahan at kabaitan ay maaaring maging kasangkapan upang makapamili ng kakasamahin sa buhay. Kung maganda ang isang dalaga, maaaring makapag-asawa siya ng binatang may sapat na karangalan at sapat ding kayamanan. Ito ang naging pamantayan ni Uganda para sa anak. Ang kagandahan ni Kulala ay lalong napag-usapan nang magdadalaga na siya. Makinis ang kutis at balingkinitan ang katawan niya. May mabibilog at nangungusap na mga mata siya. Ang mga labi niya, kahit di kulayan ay sariwang rosas ang katulad. Ang tinig niya ay may lambing na dala lalo't kapag siya ay nagtatampo na. Sapagkat marunong makipagkapwa tao kaya siya ay kaibigan ng bata at matanda. Mahirap at mayaman ay pantay lang sa kanya. Mabuti mang tao o masama ay pinakikiharapan niya. Wala siyang pinipili. Para sa kanya, ang pagpapakatao ay isang mabuting pag-uugali at sapagkat tayong lahat ay galing sa isang tipak na lupa, mauuwi rin daw tayo sa pinanggalingang lupa ni Bathala. Hanga si Uganda sa paniniwalang ito ni Kulala. Pero kahit lahat ay pinakikiharapan ng anak, nangangarap pa rin ang ina na sana ay mayaman at makapangyarihang binata ang mapangasawa ng kaniyang magandang dalaga. May sariling puso at isip si Kulala. Totoong maraming naghahain ng pag-ibig sa kaniya pero wala pa siyang napipili kahit isa. Upang matawag ang pansin ni Kulala, lahat nang manhhgaw niya ay nagpapakiramdaman at nagpapayabangan mapaniwala lamang ang dalaga sa inihahain nilang pagmamahal. Sa kasamaang palad, lagi at laging sinasamang palad ang lahat ng mangingibig na nagpapasikatan.

Naririyan si Hashim na buong giting na nagmamalaking kukunin niya sa ilalim ng karagatan ang pinakamalaking perlas na iaalay niya sa paanan ng minamahal. Madaling araw pa lang ay mayabang na itong lumusong sa tubig at sumisid na parang barakuda sa kailaliman. Pero sinamang palad siyang mabagok ang ulo sa nakausling bato sa ilalim ng dagat na ikinamatay niya kaagad. Nanginginig sa takot ang buong katawan ni Kulala nang dalhin sa tahanan nila ang lumaylay na katawan ng mangingibig. Nasundan ito ng abenturerong si Perot na sa pagnanais na mabigyan ng tuwa si Kulala ay mayabang na lumusong sa ilug-ilugan na kinaroroonan ng pinakamababangis na buwayang kinatatakutan ng mga kalalakihan. Nawakwak nga niya ang tiyan ng pinakadiyus-diyosan ng mga buwaya subalit nahagip ang dibdib niya ng matatalim na mga ngipin ng damulag. Pinapanghina siya sa sobrang dugong umagos sa hapong katawan. Una siyang nalagutan ng hininga bagu tuluyang namatay ang diyablo. Napaurong si Kulala sa takot nang dalhin sa kanilang bahay ang bangkay ng nagmamahal na mangingibig. Namatay ang binata sa pagnanais na mapasagot ang kagandahang pinagaagawan ng kabinataan. Naisip ni Uganda na panahon na upang siya na ina ni Kulala ay siyang pumili ng mapapangasawa ng anak niya. Sa mga anak ng datu, dalawa ang masusugid na mangingibig ni Kulala. Naririyan si Anturo na anak ni Datu Basti at naririyan si Madur na anak ni Datu Tawilis. Sapagkat kayamanan ang tanging pamantayan ni Uganda, binuo niya sa sariling matira sa matibay ang dapat na paglabanan ng dalawa. Minsang nagkasabay sa panliligaw ang dalawa ay nagparunggitan sila sa isa't-isa. Nagkapikunan at nagkainisan hanggang sa nagbunutan ng sandata. Sapagkat kapwa gusto nilang makamit ang kagandahang pinag-aawayan, ang pakikipaglaban ay nagwagi sa pakikipagkaibigan na nauwi sa dalawang kaluluwang naging bangkay. Humahagulgol si Kulala sa sinapit ng dalawang mangingibig. Punung-puno ng kalungkutan ang katauhan niya. Lalong nangamba ang dalaga nang sunud-sunod pang naglaban ang marami pang mangingibig na handang mag-alay ng buhay mapagwagian lamang ang kaniyang pagmamahal. Sa dami ng dugong dumanak ay lito ang isip na tinalunton ni Kulala ang daan patungo sa ituktok ng bundok. "Bathala ng Kabundukan!" nakalahad ang mga kamay na sigaw ni Kulala, "Kunin na po Ninyo ako sa daigdig na kinaroroonan ko! Hirap na po ang kalooban kong maging instrumento upang pag-awayan ng mga mangingibig ko. Marami na pong dugong dumanak sa mga sakim na pagnanasang maangkin ako ng mga pagmamahal na lubhang makasarili at

materyoso. Kunin na po ninyo ako. Maawa na po kayo!" pagmamakaawa ng lumuluhang dalaga na hindi nakadama ng pag-ibig na nakauunawa at sagrado. Ilang sandali lamang ay dumilim ang kalangitan at bumuhos ang malakas na ulan. Nagsalubungan ang mata talim na kidlat at dagundong ng kulog sa kabundukan. Ang hapong katawan ni Kulala ay bangkay na napalugmok sa ituktok ng bundok. Nang sumikat ang araw ay natagpuan ng mga tao si Kulala na bagamat wala nang buhay ay may ngiti ang mga labi sa katuwaan. Niyapos ni Uganda ang bangkay ng anak. Alam niyang ginusto ni Kulalang lisanin ang daigdig. Maligaya si Kulala sa kinaroroonan ni Bathala. Sa tuktok ng Bundok ipinalibing ni Uganda ang bangkay ng anak. Lagi niya itong dinadalaw hanggang sa isang araw ay may halamang tumubo dito. Inalagaan niya ang halaman. Nang magbunga ay napansin niyang kahawig ito ng mapuputing ngipin ni Kulala. Tumingala sa langit si Uganda at malinaw na narinig ang tinig ni Bathala. "Nasa kaharian Ko na si Kulala at masayang-masaya. Ang halamang iyan ay magpapaalala sa iyo sa mapuputing ngipin ng anak mo. Alagaan mo at ipakilala sa mga tao." Kumuha ng mga bunga ng halaman si Uganda at ipinatanim sa mga kapitbahay niya. Magmula noon ang mapuputing ngipin ni Kulala ay nakilala bilang rekado sa mga lutuing bahay na tinatawag ngayon bilang Bawang.

You might also like