You are on page 1of 1

NOV.

28, 2011 DATE

NR # 2601B
REF. NO.

Finance Secretary Purisima inimbita ng Committee on Ways and Means sa ikatlong pagkakataon
Sa ikatlo at huling pagkakataon ay muling pinadalhan ng imbitasyon ng House Committee on Ways and Means si Finance Secretary Cesar Purisima upang dumalo sa susunod na pagdinig ng komite hinggil sa kontrobersiyal na Revenue Memorandum Circular 40-2011 ng Bureau of Internal Revenue na ipinalabas noong Septyembre 05, 2011 na nag-uutos sa mga magbabayad ng buwis na magbigay ng dagdag at detalyadong impormasyon hinggil sa kanilang kinikita Sinasabing ang circular na ipinalabas ni BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares ay labag sa batas o unconstitutional, at labag sa Bank Secrecy Law at sumasalungat sa kautusan naman na iupinalabas ni Purisima noong Marso na nagsusupinde sa pagpapatupad ng annual information regulation (AIR) ayon sa mga mambabatas. Ayon kay Rep. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro) gagamitin ng Kamara ang kapangyarihan nitong mag-subpoena kung sakaling mabibigo pa rin si Purisima na dumalo sa pagdinig sa Martes. "Bigyan muna natin siya ng ikatlo at huling imbitasyon. Kung hindi siya darating, wala na tayong magagawa kundi gamitin an gating subpoena powers," ani Rodriguez. Napagkasunduan ng komite na imbitahan si Purisima upang magbigay linaw sa ipinipilit ni Henares na pagpapatupad ng RMC 40-2011 kahit na marami na ang umaapela at hindi pumapabor na ipatupad ito. Nabigo si Purisima dumalo sa naunang dalawang pagdinig ng komite kahit na may imbitasyon pang ipinadala ang komite. Dagdag pa ni Rodriguez gagawa ng legal na hakbang ang committee on ways and means kapag ipinagpatuloy ang pagpapatupad ng RMC 40-2011 at hindi mabigyang linaw ni Purisima kung may pahintulot ba siya sa pagpapatupad nito o di kaya namay talaga lamng na sinuway ni Henares ang kanyang utos na isuspinde ang pagpapatupad nito. (30)
sb

You might also like