You are on page 1of 1

NOV.

30, 2011 DATE

NR # 2603B
REF. NO.

Trabaho para sa may kapansanan


Inaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang amiyendahan ang Republic Act 7277, na kilala sa tawag na Magna Carta for Persons with Disability, para palawakin ang posisyon nakalaan para sa may kapansanan. Ang sabi ni Rep. Emi Calixto-Rubiano (Lone District, Pasay City) bibigyan ng karapatan at pribilehiyo ag taong may kapansanan ng opotunidad na makapag-trabaho sa isang government service. Ang inaprubahang panukala, House Bill 5475, ay substitute sa House Bill no. 3192 na iniakda ni Calixto-Rubiano. Sa ilalim ng RA 7277, 5% lamang ng casual emergency at contractual position sa government agencies at corporation na may kasunduan sa social development ang nakareserba para sa may kapansanan, sabi ni Calixto-Rubiano. (30) eag

You might also like