You are on page 1of 1

NOV.

30, 2011 DATE

NR # 2603
REF. NO.

Kalagayan ng coconut water industry nais alamin


Nais alamin ng ni Rep. Sharon Garin (Party-list, AAMBIS-OWA) ang kalagayan ng coconut water industry sa bansa upang matulungan ang magsasaka ng niyog at mapaunlad ang bagong industriyang ito. Sa kanyang House Resolution 1856, hiniling ni Garin sa House Committee on Agriculture and Food na magsagawa ng imbestigasyon, na makakatulong sa pagbuo ng isang batas, upang lamain ang tunay na kalagayan ng industirya ng niyog partikular na ang coconut water industry. Ayon sa mambabatas hindi dapat masayang ang katuwaan nang ipahayag ni Pangulong Benigno Aquino III nang ibalita nito ang popularidad na tinatamasa ng coconut water o buko juice na paboritong inumin umano ng mga Amerikano. Nakita umano ito ng pangulo nang siya ay bumisita sa Estados Unidos noong nakaraang Setyembre. Dagdag pa ni Garin maging si Trade and Industry Secretary Gregory Domingo ay mismong nagproklama na ang coconut industry ang susunod na giant employer at businessprocess outsourcing ng bansa sa darating na panahon. Ani Garin, ang soft drinks giant na Pepsi Corporation (PepsiCo), American Beverage company Vita Coco, at Fiesta Coco Equity ay nagpahayag na rin ng interes na magtatag ng negosyo sa bansa tungkol sa coconut water upang matugunan ang lumalaking pangangailanagn sa ibang bansa. Sa unang kalahatian ng taong 2011, umabot umano sa 7.5 milyong litro ng coconut water ang naipadala, 6.2 milyon litro dito ay naipadala sa US. Ipinapakita sa numerong ito na higit na mas malaki ang naipadalang coconut water sa ibang bansa sa kaparehong panahon noong 2010, ani Garin. Malaki umano ang potensiyal na ang coconut water ang magdala ng mas malaking kita sa mga magsasaka nang sa gayon ay maging maunlad naman ang buhay ng mga magsasakang ito. Ayon pa sa mambabatas, dahilan sa lumalaking bilang ng pangangailangan sa coconut water, panahon na umano upang tutukan ng pamahalaan ang industriyang ito nang sa gayon ay mapanatiling pantay at balance ang pangangailangan at ang suplay ng produktong ito. Isa pa, kakailanganin ng magtanim ng mga panibagong puno ng niyog dahil karamihan sa mga niyog ng bansa ay matatanda na, ani Garin. Dapat din uamnong bigyang pansin ang kalidad ng mga ipinapadalang produkto sa ibang bansa upang para maging competitive ang produkto ng Pilipinas sa ibang bansa. (30) sb

You might also like