You are on page 1of 5

Buwan ng Wika 2011

Pangkalahatang Palatuntunan Ika-31 ng Agosto 2011 ganap na ika-1 ng hapon Introduksyon Ian: Magandang Hapon po sa inyong lahat! Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala. Ito ang tanyag na kataga na nagmula sa ating tanyag na pambansang bayani na si Dr. Jose Protacio Rizal na nagbibigay importansya sa kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao. Ang wika ng isang bansa ay masasabi nating kaluluwa ng isang bansa na siyang nagbibigay buhay dito. Tama, at ito ay nagsisilbi ring tulay na siyang nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong. Ito rin ang nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan, sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang tao kung sino tayo. Ang importansya upang lalong paunlarin at palawakin ang ating pambansang wika ay matagal nang pinagbibigyang-pansin ng mga namumuno sa ating bansa. Nakakatuwat sa Pilipinas ay mayroon tayong higit sa isandaang klase na lengguahe na ginagamit mula Batanes hanggang Tawi-tawi, ngunit ang Pambansang Wikang FILIPINO pa rin ang siyang ginagamit at mas naiintindihan sa buong kapuluan. Kaya ang Buwan ng Wika ang isa sa mga pagkakataon natin upang itoy payabungin at ipagmalaki. Pagkakataon din natin ito upang iparating sa ating mga kababayan na ang ating Pambansang Wika ay hindi lamang para sa pakikipagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang indibidwal at bilang isang bansa. Bilang pagtangkilik ng ating paaralan sa Buwan ng Wika, ay uumpisahan na natin ang Pagpupugay sa Wikang Filipino ngayong Buwan ng Wika!

Hennie:

Ian: Hennie:

Ian: Hennie:

Ian:

Hennie: Ian:

Hennie: I & H:

I. Pambansang Awit ng Pilipinas II. Panalangin

Ian:

At bilang pasimula, magsitayo po ang lahat para sa Pambansang Awit ng Pilipinas ng inihanda ng Samahang Kultural at susundan ng Panalangin na inihanda ng Departamento ng Elementarya. [Pambansang Awit ng Pilipinas]

Hennie:

Manatili pong nakatayo para sa Panalangin. [Panalangin]

III. Pambungad na Pananalita Ian: Tinatawagan po ang ating butihing Direktora, si Rev. Sr. Modesta San Jose, A.R. upang magbigay ng Pambungad na Pananalita. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan! [Pananalita] Hennie: Maraming Salamat po, Sr. Modette. Ngayon naman po ay tinatawagan ang punung-guro ng Elementarya at ng Mataas na Paaralan na si Sr. Maria Aurora Baygan, A.R. para magbigay ng kanyang Pambungad na Pananalita. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan! [Pananalita] IV. Tula -- Elementarya Ian: Maraming Salamat po, Sr. Aurora. Hennie, alam mo ba na bantog noon ang balagtasan at tula sa mga Pilipino? Oo, Kuya Ian. Aking nabasa sa Noli Me Tangere na isinulat ni Jose Rizal na bahagi sa kanilang pyestahan ang mga ganoong uri ng palatuntunan. Tama.. Tunghayan natin ngayon ang isang manunula Elementarya! [Tula] V. Awit Elementarya, Hayskul, Kolehiyo Hennie: Ian: Maraming Salamat sa iyong pagtula.. Aba at kahit sa murang edad ay kahanga-hanga na. Tingnan naman natin ngayon ang mga mang-aawit mula sa ibat-ibang departamentoElementarya, Hayskul at Kolehiyo! [Awit] mula sa

Hennie:

Ian:

VI. Katutubong SayawKolehiyo Hennie: Ian: Hennie: Maraming Salamat sa ating mga mang-aawit. Alam niyo ba na noon pa man ay mahilig na talagang sumayaw ang mga Pilipino? Oo. Kaya naman kung ating mapapansin, bawat lugar na nagdadaos ng kanilang pyesta ay may pag-aalay ng ibat-ibang sayaw. Kaya ngayon, dumako naman tayo sa katutubong sayaw na inihanda sa atin ng mga mananayaw mula sa Kolehiyo! [Katutubong Sayaw] VII. Awit Piling Mag-aaral na pinamahalaan ni G. Nice Naos Ian: Hennie: Ian: Maraming Salamat sa __________________. pagpapakita ng sayaw ng mga

Dumako naman tayo ngayon sa isang presentasyon mula sa piling magaaral na pinamahalaan ni Ginoong Nice Naos! Pasalubungan natin sila ng masigabong palakpakan! [Awit]

VIII. Sayaw Interpretasyon Hennie: Ian: Maraming Salamat sa inyo at kay G. Nice Naos. Panuorin naman natin ang Sayaw Interpretasyon Departamento ng Hayskul ang Hataw Dance Troupe! [Sayaw Interpretasyon] IX. Sabayang Pagbigkas Hennie: Maraming Salamat sa inyo, Hataw Dance Troupe. Hindi lang sa sayaw at awit magaling ang ating mga mag-aaral, magaling din sila sa sauluhan at sabayang pagbigkas. Pasalubungan natin ng masigabong palakpakan ang Sabayang Pagbigkas mula sa Kolehiyo! [Sabayang Pagbigkas] X. Harana Hennie: Maraming Salamat sa inyo, Hataw Dance Troupe. Habang tumatagal ay ating natutuklasan ang husay o galing ng mga mag-aaral dito sa Immaculate Conception College. mula sa

Ian:

Ian:

Kaya ngayon ay pakinggan naman natin ang manghaharana mula sa Kolehiyo! [Harana]

XI. Pagpapakitang Gilas ng Banda Ian: Maraming Salamat sa iyong nakakaantig na harana. Ang susunod na presentasyon ay mula sa Hayskul at Kolehiyo. Anong malay natin, maaaring sila na ang susunod na Spongecola, Parokya ni Edgar o Silent Sanctuary(?) Bigyan po natin ng masigabong palakpakan ang pagpapakitang gilas ng banda! [Banda] XII. Sulyap sa Lakan at Lakambini Ian: Hennie: Maraming salamat po sa ibat-ibang banda. Ito na ang pinakahihintay nating lahat.. Ang sulyap sa mga Lakan at Lakambini mula sa Elementarya at Kolehiyo! Pasalubungan natin sila ng palakpakan! [Lakan at Lakambini] XIII. Intermisyon Ian: Maraming Salamat sa ating mga Lakan at Lakambini. Ngayon naman ay ating matutunghayan ang Intermisyon mula sa Kolehiyo. [Intermisyon] Hennie: Maraming Salamat sa Intermisyon. Sa ating mayamang salita, madali nating makikita ang ibat-ibang impluwensya na siyang nakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino. Samakatuwid, ang wika rin ay maaari ring maging batayan ng ating nakaraan at kultura. Mahalin natin ang ating wika tulad ng tinuran ni Rizal. Sabi nga sa ating tema, Ang Filipino ay Wikang Panlahat; Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas Ako po si Ian, At ako po si Hennie.

Hennie:

Ian:

Hennie: I & H: Ian: Hennie:

I & H:

Maraming Salamat po at Paalam!

G. Francis Ian A. Sarmiento & Hennie Alyssa M. Gutierrez


Guro ng Palatuntunan

You might also like