You are on page 1of 2

Mga Katangian at Saloobin ng mga Pilipino

MATAPANG AT MAKABAYAN

Likas na ang pagiging matapang at makabayan ng mga Pilipino. Ipinagtangol nila ang ating bayan noong tayo ay sinakop ng mga dayuhan. Ginamit nila ang kanilang lakas at katalinuhan sa pakikipag-laban.

MASAYAHIN

Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ang pagiging tunay na masayahin. Nakikita nila ang kabutihan sa anu mang bagay na kanilang hinaharap kaya naman pati kanilang mga suliranin ay nagagawa nilang tawanan na nakapagpapagaan ng kanilang saloobin.

MATIBAY NA PANANAMPALATAYA SA DIYOS

Ang pananalig sa Diyos ay isang magandang katangian ng mga Pilipino. Iba-iba man ang kanilang relihiyon ay hindi nila nakakalimutan na pumunta at manalangin sa kanilang simbahan upang magpasalamat at magpagabay sa Poong may Kapal.

MATIBAY NA PAGBUBUKLOD NG PAMILYA Ang pamilyang Pilipino ay kilala sa pagkakaroon ng matibay na pagkakabuklud-buklod. Ito rin ay marahil sa matibay na pananampalataya ng pamilyang Pilipino sa Diyos. Ang pamilya ay pingangalagaan ng bawat Pilipino at pinagyayaman.

You might also like