You are on page 1of 2

"Ang Tundo Man May Langit Din" ni Andres Cristobal Cruz Tumawag si Flor kay Victor upang anyayahan

itong makipagkita sa kanya sa isang p alamigan sa Quiapo. Napag-alaman ni Victor na si Flor ay dalawang buwan ng nagda dalantao. Nangangaba si Flor na totoo ang sinasabi ng babaing pumunta sa kanyang apartment at sinabing siya ang totoong asawa ni Tonyo na ama ng dinadala ni Flo r. Nangako si Victor na aalamin kung totoo ang kinatatakutan ni Flor. Nahuli si Victor sa usapan nilang pagkikita ni Alma sa lobby ng pamantasang kanilang pinap asukan. Pagkatapos ng kanilang klase ay napagpasiyahan niyang dumalaw sa apartme nt ni Flor. Pagkatapos ng kanyang pagdalaw kay Flor ay umuwi na siya. Namataan n iyang nag-iinuman sina Lukas at ang mga kaibigan nito sa isang restawran sa Loob an ng Tundo. Muntik ng magkagulo sa loob ng restawran. Buti na lamang at napigil an iyon ni Victor. Ngunit ng papauwi na sila ni Lukas ay nakaharap muli nila ang mga Waray at nakipagbabakan ang mga iyon sa kanila. Kumalat sa Looban ang tungk ol sa pakikipagbakbakan nila Victor at Lukas. Sa klase nila Victor at Alma na Philippine History ay kinuwestiyon ni Victor ang librong isinulat ni Agila na isang awtoridad ng Kasaysayan ng Pilipinas. Sa ara w din na iyon ay bumili si Alma ng bago niyang talaarawan. Sa gabing iyon ay nagkaroon muli ng masamang panaginip si Alma tungkol sa kanyan g ama at kay Dolores na dati nilang katulong. Kinabukasan ay nagpaalam si Alma s a kanyang Daddy at Mommy na magkaroon ng party para sa nalalapit niyang graduati on. Inanyayahan ni Alma ang kanyang mga kaklase at si Victor. Dumating ang araw ng party ni Alma ngunit siya ay malungkot dahil sa hindi sinunod ng kanyang mga magulang ang kagustuhan niya na sila-sila lamang ng kanyang mga kaklase ang magp aparty. Nagtungo muli si Victor sa apartment ni Flor bago pumunta sa party ni Al ma. Nagtalo silang dalawa tungkol sa kagustuhan ni Flor na hindi na maaari pang mangyari. Pagkatapos ng pagtatalong iyon ay pumunta na si Victor sa bahay nila A lma. Dahil sa pamimilit ni Alma at dahil na rin sa pamilya ni Victor ay napagpasiya n itong dumalo sa kanilang baccalaureate at graduation dahil sa ayaw niyang ipagka it ang kaligayahan sa kanyang pamilya. Dumating ang araw ng Baccalaureat nila Al ma at Victor, sa araw na iyon ay niregaluhan ni Victor si Alma. Kinabukasan ay a raw ng graduation nila Alma at Victor, sa araw naman na iyon ay nagregalo si Alm a kay Victor ng isang fountain pen na may naka-engraved na Victor-Alma. Si Flor na man ay nagregalo kay Victor ng isang relo. Lumipas ang ilan pang mga araw. Nabalitaan ni Victor na nakapagtayo si Flor ng i sang patahian kung saan katulong niya sa pagpapatakbo nito si Dolores. Dinala ni Victor si Alma sa patahian ni Flor at doon nakita ni Alma ang matagal na niyang hinahanap na si Dolores, ang dati nilang katulong na sa kanyang paniniwala ay n agawan ng masama ng kanyang ama. Dumating ang buwan ng Hunyo. Nagsimula na si Alma sa pagtuturo sa Torres High. I lan pang mga araw ang nakalipas at pumunta si Alma sa patahian nila Flor upang k ausapin si Dolores at ibigay ang sustento nito para makatulong at makabawi sa ma ling nagawa ng kanyang ama. Si Victor naman ay tinulungan ni Paking upang makapagturo sa Torres High. Nakata nggap agad siya ng appointment bilang substitute teacher sa paaralan. Nagkita mu li sina Alma at Victor sa Torres High kung saan pareho silang magtuturo. Dumating ang araw ng panganganak ni Flor at sa araw na iyon ay hindi nagpahuli s i Tonyo. Naroroon siya upang makita ang kanyang anak kay Flor. Pagkatapos ng pan gyayaring iyon ay napagpasiyahan ni Tonyo na ipagtapat sa kanyang maybahay na si

ya y may anak ka Flor. Naging maayos ang usapan ng mag-asawa at napagpasiyahan nil ang dumalaw kay Flor sa ospital. Hindi na napigilan ni Alma ang kanyang damdamin at napagpasiyahan niyang ipagtap at na kay Victor ang kanyang nadarama. Sa araw din na iyon ay ipinagtapat ni Alm a sa kanyang Daddy na alam niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Dolores. Nasab i niya iyon ng dahil pagtatalo nila tungkol sa pagkikita nila ni Victor. Kinabukasan ay ipinadala ni Alma ang kanyang bag kay Victor at sa di sinasadya a y nakita ni Victor ang talaarawan ni Alma. Hindi umaamin si Victor kay Alma nang tanungin siya nito kung nabasa niya ang talaarawan nito. Lumipas ang mga araw at mas lalong nagkamabutihan sina Victor at Alma hanggang s a dumating ang isang araw na hindi na nila napigilan ang damdamin ng isa t isa at sila ay nagpasiya ng magpakasal. Pumunta si Victor sa bahay nila Alma upang hing in ang kamay ni Alma sa ama nito. Hindi naman tumutol ang ama ni Alma at masaya pa ito para sa dalawa. Napagpasiyahan nilang sa lalong madaling panahon ay ikaka sal sila. Dumating ang araw ng kasal. Simple lamang ang pag-aayos dito at kakaunti lamang ang inimbitahan ngunit sa kabila nito ay masayang idinaos nila Alma at Victor an g araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Sa gabi ng kanilang kasal ay nakapag-isa a ng bagong kasal. Inihandog ni Alma ang kanyang talaarawan kay Victor at Ibinigay naman ni Victor kay Alma ang panganay nilang halik sa isa t isa. Doon ay ipinagta pat na ni Victor na nabasa niya ang talaarawan ni Alma. At pagkaraan ng ilan pan g sandal, doon sa pook na iyon ng Tundo y sinimulang likhain, sa kabila ng ingay n g mga nagsusumbatang pulitiko, ng dalawang nagkakaisa t nagkakaugnay ng pangarap a ng isang bago t matapang na daigdig. Isang daigdig na kaypala y may sariling langit na biyaya ng pag-ibig.

You might also like