You are on page 1of 5

MOCK PEACE TALKS

Layunin: Gagawin ang mock peace talks upang maranasan ng mga mag-aaral ang mga kaganapan sa loob ng isang pag-uusap para sa kapayapaan. Gagamitin ang konteksto ng usapin ukol sa Bangsamoro Juridical Entity (BJE) at hidwaan/kaguluhan sa Mindanao bilang kalagayang nararapat na tugunan.

Mga tauhan sa mock peace talks: Magkakaroon ng anim na pangkat ang mock peace talks na siyang mga kinatawan ng ibat ibang mga institusyon at mga tauhan na may kinalaman o maaaring apektado ng BJE, hidwaan/kaguluhan sa Mindanao. Bawat pangkat ay magkakaroon ng dalawang kinatawan sa mismong araw ng mock peace talks. Narito ang mga maaaring kinatawan sa mock peace talks: 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. MILF MNLF Pribadong sektor (kabilang ang mga residenteng Muslim) Pribadong sektor (kabilang ang mga residenteng Kristiyano) NGOs (na may mga opisina sa Mindanao o apektadong lugar Mga mayor ng mga lugar na isinama sa BJE subalit hindi orihinal na mga lugar-miyembro ng ARMM Pamahalaan Mediator (Malaysian mediator)

Narito ang mga tungkulin ng bawat pangkat o kinatawan na nasa mock peace talks: Mga tauhan/kinat awan sa mock peace talks MILF Mga gagampanang tungkulin

Nararapat na isipin at isaalang-alang ang interes ng mga MILF Mga Muslim at nananampalataya sa Islam Isa sa kanilang layunin ang maging tapat sa kanilang layunin bilang pangkat Nagnanais ng sariling lugar na malaya at may sariling pamahalaan May kakayahang pangmilitar Nagnanais maisakatuparan ang mga nilalaman ng BJE

Nararapat na may maibahaging solusyon sa mock peace talks upang maisulong ang sariling layunin at maisakatuparan ang kanilang nais para sa Mindanao May mga ilang mga pangkat sa MILF na naging bayolente ang pagtugon sa hindi pagpayag ng pamahalaang pirmahan ang BJE Nararapat na isipin at isaalang-alang ang interes ng mga MNLF Mga Muslim at nananampalataya sa Islam Isa sa kanilang layunin ang maging tapat sa kanilang layunin bilang pangkat Nagnanais ng sariling lugar na malaya at may sariling pamahalaan subalit nagbalik-loob na sa pamahalaan at nabigyan ng amnestiya May kakayahang pangmilitar Nagnanais rin ng kalayaan sa pamamahala sa Mindanao subalit nakikipagkasundo sa pamahalaan Nararapat na may maibahaging solusyon sa mock peace talks upang maisulong ang sariling layunin at maisakatuparan ang kanilang nais para sa Mindanao Nararapat na isipin at isaalang-alang ang interes ng mga residenteng nakatira sa Mindanao bilang mga kinatawan nila sa mock peace talks Mga Muslim at nananampalataya sa Islam Isa sa kanilang layunin ang magkaroon ng tahimik na pamumuhay, mabigyan ng solusyon ang kanilang paghihirap sa Mindanao, mabigyan sila ng kanilang mga pangunahing pangngailangan (bahay, pagkain, damit, maayos na kabuhayan) Nagnanais ng sariling lugar na malaya at tahimik, ligtas Walang kakayahang pangmilitar Nararapat na may maibahaging solusyon sa mock peace talks upang maisulong ang sariling layunin at maisakatuparan ang kanilang nais para sa Mindanao Nararapat na isipin at isaalang-alang ang interes ng mga residenteng nakatira sa Mindanao bilang mga kinatawan nila sa mock peace talks Mga Kristiyanong nakatira sa Mindanao Isa sa kanilang layunin ang magkaroon ng tahimik na pamumuhay, mabigyan sila ng kanilang mga pangunahing pangngailangan (bahay, pagkain, damit, maayos na kabuhayan) Nagnanais ng sariling lugar na malaya at tahimik,

MNLF

Pribadong sektor (kabilang ang mga residenteng Muslim)

Pribadong sektor (kabilang ang mga residenteng Kristiyano)

ligtas Walang kakayahang pangmilitar Nararapat na may maibahaging solusyon sa mock peace talks upang maisulong ang sariling layunin at maisakatuparan ang kanilang nais para sa Mindanao Nararapat na isipin at isaalang-alang ang interes ng mga NGOs na nasa Mindanao bilang mga kinatawan nila sa mock peace talks Sila ay mga Muslim at Kristiyanong nakatira sa Mindanao Isa sa kanilang layunin ang magkaroon ng tahimik na pamumuhay, mabigyan sila ng kanilang mga pangunahing pangngailangan (bahay, pagkain, damit, maayos na kabuhayan) Kasama sa kanilang layunin ang makapagbigay ng serbisyo sa mga residente sa Mindanao nang ligtas, tahimik, walang naghihigpit o nagbabawal o di kayay nagbabanta Nagnanais ng sariling lugar na malaya at tahimik, ligtas Walang kakayahang pangmilitar Nararapat na may maibahaging solusyon sa mock peace talks upang maisulong ang sariling layunin at maisakatuparan ang kanilang nais para sa Mindanao Nararapat na isipin at isaalang-alang ang interes ng buong bansa, ng Konstitusyon at ng pamahalaang Arroyo bilang kasalukuyang tagapamuno ng bansa May kakayahang pangmilitar Isa sa kanilang layunin ang maging tapat sa kanilang layunin bilang pangkat Nagnanais maisaalang-alang sa lahat ang interes ng pamahalaan at ng batas Hindi lahat sa kanila ay sang-ayon at nagnanais maisakatuparan ang mga nilalaman ng BJE Nararapat na may maibahaging solusyon sa mock peace talks upang maisulong ang sariling layunin at maisakatuparan ang kanilang nais para sa Mindanao Magsisilbing tagapamagitan sa mga kalahok ng mock peace talks Nararapat na maisakatuparan ang pagiging patas sa mock peace talks Nararapat na marunong mamagitan nang hindi nakakapagdulot ng mas maraming gusot sa mga nag-uusap para sa kapayapaan sa Mindanao

NGOs (na may mga opisina sa Mindanao o apektadong lugar Mga mayor ng mga lugar na isinama sa BJE subalit hindi orihinal na mga lugarmiyembro ng ARMM

Pamahalaan

Mediator (Malaysian mediator)

Mga Malaysian, Muslim

Mga dapat gawin ng Mediator/Tagapamagitan sa Mock Peace Talks:

I.

Magsimula sa pamamagitan ng isang dasal (ecumenical)

II. Panimula Simulan ang pagpupulong para sa pangkapayapaan sa pamamagitan ng pagbati sa mga kalahok. Matapos ang pagbati, ipakilala ang lahat ng mga kinatawan. Matapos ang pagpapakilala, ibigay ang layunin ng pagpupulong at ang nais na makamit nito matapos ang pagpupulong. Bibigyan ng guro ng 20 minuto ang buong pagpupulong. Ang guro ang magsisilbing timer ng pagpupulong. III. Pagbibigay ng konteksto ng problema sa Mindanao Isasalaysay ng mga tagapamagitan sa isang maikling pagbabahagi (isang minuto lamang) ang problema sa Mindanao. Babanggitin nila ang konteksto kung bakit may hidwaan sa Mindanao at kung bakit naging isang usapin din ang BJE. Matapos ito, ipupukol ang tanong sa mga kinatawan na ano ang nararapat na solusyon sapagkat ang mga lahat ng nasa pulong ay kabilang sa mga nararapat na magbigay solusyon sa ganitong sitwasyon. IV. Pagsimula ng pagpupulong/Pagbabahagi ng bawat pangkat ng kanilang mungkahing solusyon para sa Mindanao Bibigyan ng mga tagapamagitan ang mga kinatawan ng dalawang minuto upang ibahagi ang kani-kanilang mga solusyon ukol sa problema ng Mindanao.

Matapos ang lahat ng mga pagbabahagi, bubuksan ng mga tagapamagitan ang pulong para sa usaping pangkapayapaan. V. OPEN FORUM Magtatagal ito sa loob ng 15 minuto hanggang sa may magawang solusyon para sa problema/usapin. Kailangang magsilbi lamang na tagapamagitan sa open forum ang mga naatasang gumawa nito. May maisip mang solusyon o wala, ihihinto ang pulong matapos ang 20 minuto.

You might also like