You are on page 1of 4

Kabanata 1

Introduksyon

Prince Charming yang ang magdadala sa akin sa palasyong puno ng kaligayahan at magpapalimot sa lahat ng aking problema na dinadala. Ito ang karaniwang wikain ng mga kabataang babae ngayon, ngunit nangyayari ba ito? Hindi. Sa halip ay dinadala sila sa mga mumurahing hotel o di kaya motel, sa mga iskinita at lansangan kung saan doon nangyayari ang kaligayahang sinasabi subalit mali ang mga ito dahil sila ay ibinabalandra na lamang. Sa kapanahunan ngayon, maraming mga kabataan babae ang nalululong sa maagang kuryosidad at tukso na wala man lamang silang alam kung ano ang mangyayari at magiging kalalabasan nito. Laganap ito hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Sa aking pananaw, ang nangyayari ngayon ay nagigingng libangan na lamang ito at kapag sila ay nakaranas ng makipagtalik sa sinasabi nilang Prince Charming wala man lang silang kaalamalam kung anong maaring maidulot sa kanila sa ganong gawain o aktibidad. Dati rati, noong sinauna pang mga panahon, panahon pa ng ating mga ninuno ay iniiingatan ang mga kababaihan, subalit ngayon ay napapabayaan na lamang ito. Dahil dito ay nalalapit sila sa tukso na mag-aadya sa kanila sa maagang pagkakaroon ng responsibilidad na hindi nila inaasahan at wala man lang ka ideya-ideya kung paano nila ito haharapin sa mura nilang edad. Ito ang tinatawag natin na Teenage Pregnancy. Kasalukuyan tayong nahaharap sa malaking problema sa realidad na maraming dumaranas na halos mga kabataang babae na nagkakaroon na maagang pag-bubuntis at nagging ganap na dalagang ina. Sa Pilipinas, ayon sa 1995 census, mga 1.8 milyong kalalakihan at 670,000 na mga kababaihan na may edad 15 24 ay aktibo sa sex o pakikipagtalik. Ayon rin kay Dr. Corazon M. Raymundo, 20% ng maagang pakikipagtalik ay nangyayari sa hayskul. Ang mga kabataang ito ay sumusuong sa pakikipagtalik na wala man lang kaalam-alam na maging epekto nito tulad ng mga sumusunod: Maagang pagbubuntis para sa mga babae at pagkakaroon ng Sexually Transmitted Diseases o STD. Sa

katunayan, sa mga kabataang aktibo sa sex, 74% ang di gumagamit ng kahit anong kontraseptibs.

Layunin ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay nakasentro sa mga minor de edad na mga kababaihan. Naglalayon ito na maparating sa mga kabataan ang epekto ng maagang pagbubuntis sa kanilang buhay at kinabukasan. Nilalayon ng pag-aaral na sagutin ang mga sumusunod ng mga tanong. 1. Ano ang Teenage Pregnancy? 2. Ano ang sanhi kung bakit nakakaranas ang mga kabataan ng maagang pabbubuntis? 3. Ano ang negatibo at positibong epekto na maidudulot nito sa mga kabataan? 4. Paano ito maiiwasan at anong solusyon ang akma dito?

Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay malaki ang maaring kapakinabangan sa mga sumusunod: Sa mga kabataan. Ang pag-aaral na ito ay makakapagbigay ng impormasyong sa mga kabataang wala pang kamuang-muang sa sex. Makakatulong din ito sa pagmulat sa mata ng mga kabataan ukol sa masamang epekto ng maagang kapusukan at pakikipagtalik ng walang basbas ng kasal. Sa mga magulang. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga magulang para mabigyan ng ideya kung paano nila madidisiplina ng ayos ang kanilang mga anak. Makakatulong din ito para mabigyang pansin kung paano nila pangangaralan ang kanilang mga anak sa paraang makakabuti para hindi ito gugawa ng masama at magrebelde.

Sa mga mananaliksik. Makakatulong ito sa mga researcher para mapatuunang pansin ang isyu tungkol sa teenage pregnancy. Makakapagbigay din ito ng impormasyong para magkaroon sila ng ideya at makahanap ng solusyon para mabawasan ang paglaganap ng pagdami ng insidente tungkol sa maagang pagbubuntis. Sa simbahan. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito,mapapalaganap lalo ang layunin ng simbahan na mabawasan, kundi man matigil ang pagdami ng kaso ng maagang pagbubuntis. Sa tulong din nito, ang aral ng simbahan ukol sa maagang pakikipagtalik na siyang sanhi ng teenage pregnancy at ang aborsyon, na maaring maging solusyon ng mga maagang nabubuntis sa kanilang problema, ay lalo pang mapalaganap sa mga kabataan. Sa komunidad at pamahalaan. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pamahalaan sa pagkontrol sa pagdami na populasyon sanhi ng maagang pagbubuntis. Sa komunidad naman, ay makakatulong para magtayo ng mga programa. Sa DOH. Ana pag-aaral na ito ay makakatulong para malaman na Department of Health kung paano sila gagawa na kampanya para mabawasan ang paglaganap na teenage pregnancy tulad ng pagtuklas ng ibat-ibang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik tulad ng STD, HIV, at AIDS.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga pangunahing nagiging dahilan at nagiging sanhi ng teenage pregnancy sa mga kabataang nasa edad na 13-19 ang edad . Kasama din dito ang nagiging epekto at kung paano ito masosolusyunan. Ana mga datos ay ayon sa mga nakalap at nakuhang impormasyon. Nakasentro ito kung bakit nakakaranas ng maagang pagbubuntis.

Depinisyon ng mga Termonolohiya

Teenage Pregnancy - ang maagang pabubuntis na wala pa sa tamang gulang. Abortion STD pagpapalaglag ng batang may buhay na nasa sinapupunan pa lamang. (Sexually Transmitted Disease)

You might also like