You are on page 1of 1

Lokal na Literatura Sa kuwentong Kulas ni Chit Balmaceda Gutierrez, ipinakita kung paanong itinutulak ng mga puwersa ng lipunan upang

gumawa nang masama ang isang karaniwang taong kagaya ni Kulas na kulang sa ulam, kulang sa damit, kulang sa kaalaman, kulang sa pera, walang yaman, walang lupa, walang-wala. Sa Hindi Mapipigil sa Pagdami ang mga Uod Hanggat Mayroong Pagkaagnas ni Ernie Yang, ipinamukha sa mambabasa ang marawal at nakapanlulumong buhay ng mga iskuwater o mga walang lupa sa sariling bayan, sa tabi ng parang bangungot ang mukha ng kahirapan ng mga taong nangangamoy, nabubuhay at natutulog sa basurahan na makaligtas lang sa gutom ng isang araw ang pangunahing ambisyon sa buhay. Ipinahiwatig ng akdang ito na magpapatuloy ang paghihimagsik hanggang hindi maayos ang sistemang umiiral sa lipunan hanggang ang demokrasyay nakabatay hindi sa higit na nakararaming mamamayan na napagsasamantalahan ng iilang nasa kapangyarihan. Isinisigaw din nito na sa ganitong sistema ng lipunan ang karapatan ay para lamang doon sa may kakayahang bumili nito at ang mga may pera ay nababalutan ng mga karapatan at kapangyarihan pero dahil tao rin naman ang uring anakpawis, kailangan din ng mga ito ang mga karapatang iyon. Literatura sa Ibang bansa AYON KAY Nadine Gordimer, isang 65 anyos na babae at puting manunulat sa Timong Africa, ang sining ay nasa panig ng mga binubusabos. Matapos niyang mabasa ang nobelang The Jungle ni Upton Sinclair, isang nobelang naglalarawan ng marawal at nakapanlulumong kalagayan ng mga manggagawa sa industriya ng karne at mga pagkaing de lata sa Chicago noong 1906, isinulat naman ni Gordimer ang kahabaghabag at nakapaghihimagsik na katayuan ng mga obrerong Negro sa mga minahan sa Africa, gayundin ang sarisaring inhustisya ng pamahalaan sa itim na populasyon ng naturang bansa dahil sa apartheid kung kaya ipinagbawal ng mga awtoridad ang kanyang nobelang Burgers Daughter noong 1979. Hindi puwedeng sabihin kong akoy isang manunulat lamang, pahayag niya. at mga paksang tungkol lamang sa manunulat ang tatalakayin ko. Isa rin akong tao at kung basta na lamang inaagawan ng karapatan ang isang tao, basta na lamang ikinukulong, ibinibinbin sa kulungan nang walang kaukulang paglilitis at hindi pinalalaya ni ipinagsasakdal, dapat na mahigpit na tutulan ng sinuman ang bagay na ito. Mula noon at magpahanggang ngayon, naging mapaghimagsik na tinig si Gordimer ng uring apit anakpawis ng kanyang bansa. Pagaaral na Lokal

You might also like