You are on page 1of 4

WALANG SUGAT ni Severino Reyes (Script) Mga Tauhan: Julia Teong Teban Miguel Monica Juana Lucas Tadeo

na Lucas Tadeo Marcelo Kura 1 Kura 2 P. Teban Kapitana Putin Kapitan Inggo

Julia: Bakit Teong, napagod ka ba? Masama ka palang mapagod. Teong: Masakit sa iyo. Julia: Abat nagtampo naman kaagad ito(Ibabato ang bastidor) Lalo ko pang pagagalitin! Teong: (Pupulutin ang bastidor) Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo na ako. Hindi na ako magagalit. Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko. Julia: Hindi ah! Nagkakamali ka! Teong: Sinungaling! At kanino naman ito? A Antonio; NNarciso, at FFlores. Julia: Nagkakamali ka! Hindi mo pangalan iyan. Iyay para sa among, iaalay ko para sa kanya ngayong kaarawan ng pasko. Teong: Sa among o sa demonyo, bakit ang letray A, N, at F? Julia: Oo nga, pagkat ang AAmong, NNatin, at FFrayle. Teong: Isang malaking kaalipustahan! Sadyang nakakapntig ng tainga Julia: Nakaganti na ako! Teong: (Dudukot ng posporo) Magsabi ka ng totoo, Julia. Sa kura ba ito? Kapag hindi ko ito sinilaban, abay sinungaling ako. Julia: Huwag ng silaban ang tunay mong pangaln. Hindi maghahabndig sa lahi ni Satan. Ang panyong iyan ay para talaga sa iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo. Teong: Salamat, o aking Julia. Julia: O Teong ng puso, o Teong ng buhay ko.

SCENE 1: Teong at Julia (Si Julia ay nagbuburda ng panyo para kay Teong. Papasok si Teong sa eksena) Teong: (sinisipat ang binuburdang panyo) Julia, tingnan ko nga ang binuburdahan mo Julia: Huwag na, Teong, huwag mo tingnan; masama ang pagkakayari, nakakahiya Teong: Isang silip lamang; hindi ko hihipuin, ganoon lang ay Julia: Sa ibang araw; pagkatapos na, oo, ipapakita ko sa iyo. Teong: (tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog kandila, na anakiy nilalik ng maputing garing, ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang Julia: Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko. Teong: Ay!

Miguel: Ay salamat (tuwang-tuwa) (papasok si Juana, at maglalayo sina Julia at Teong) Teong: Ay, mauuna nap o ako Tiya, at ako poy may pupuntahan pa. (aalis si Teong sa eksena. Titingin ng masama si Juana ng masama kay Julia) Juana: Ikay maghanda na, Julia, at may mga paparating tayong importanteng bisita. Tadeo: Ano ba ang sinabi mo? Miguel: Sinabi ko pong ay Julia! Ay, ALing Julia! Ay, Julia ko! Tadeo: Wala ka nang nasabi kundi pulos na ay? Hindi ka na nakapagpahayag ng pagsinta mo? Ay aling Juana, Julia, kamiy tutuloy na. Juana: Siya po Mag-ingat po kayo, at pagpalain nawa kayo ng Panginoon.

SCENE 2: (papasok si P. Teban , Tadeo, at Miguel)

SCENE 3: Juana: Kumusta po naman kayo, among? P. Teban: Masama, Juana. Noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting suweldo dahil sa kamiy alipin ng mga prayle, Bagamat kami na ngayon ang namamahala, ay wala pa rin kaming kinikita. Juana: Siyang tunay, among. P. Teban: Kaya Juana, di malayong kaming mga klerigo ay mauwi sa pagsasaka. Juana: Bakit po ba ang dami mo pong mga pinakakaing mga pamangking dalaga? P. Teban: Siya nga, mga ulilang inampon ko (lalapit si Miguel kay Julia) Miguel: Ay, Aling Julia ay ma ma malapit na po Julia: Alin ang malapit na? Scene 4: Miguel: Ang ang Tadeo: Miguel, tayo nat nagkayari na kami ng kanyang ina. Kura 1: Ay, si Kapitan Luis! Itoy tagaroon sa amin; masamang tao ito. Marcelo: Mason po yata, among. Teong: Tiya, ako poy paparoon munat susundan si Tatang. Juana: Hintay ka sandal at kamiy sasama. Julia, magtapis ka Juana: Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (papasok sa eksena si Lucas) Lucas: Mamang Teong, Mamang Teong!!! Teong: Napaano ka, Lucas? Lucas: Dinakip na ang tatang mo ng boluntaryo ng Sta. Maria. Teong: Ha? Saan siya dinala?!? Lucas: Sa Bulakan daw po siya dadalhin.

Kura 1: Kubg hindi man mason, marahil filibuster, sapagkat kung siyay sumulat maraming K, cabayo K. Marcelo: Hindi po ako kabayo, among. Kura 1: Tonto!!! Hindi ikaw! Stupido! Ang sulat niya ang tinutukoy ko. Kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, at marapat na mamatay. Kura 2: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at Juaz de Paz, ay daragdagan ng rasyon. Marcelo: Hindi na sila makakain eh! Kura 2: Eh ano naman kung hindi na sila makakain? Eh di mabuti ng mamatay na silang lahat. Marcelo: Opo among, hirap nap o ang mga katawan nilaat nakakaawa naman pong pagmasdan Kura 2: Loko ito! Anong awa-awa? Walang awaawa, duro que duro!!! Kura 1: Si Kapitan Inggo, pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si si Kapitan Inggo. Kung ganoon po ay hindi na mamamatay di Kapitan Inggo? Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala, walang lama ang pigi sa kapapalo, dalawang brasoy litaw na ang mga buto, nagitgit sa pagkakagapos. Kura 1: Buhay pa pala ang kutong-lupang iyon? Kung gayon, huwag mong kalimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at bubusan ng tubig ang ilong at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha? Marcelo: Opo, among.

Kura 2: O, Kapitana Putin, ano pot napadalaw kayo dito? Kapitana Putin: Akin po sanang kakamustahin si Kapitan Inggo. Kura 1: Ay huwag po kayong mag-alala sinabi ko na sa Alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibilad, at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tulugan Kapitana Putin: Salamat po, among. Kura 2: Walang anuman. O paano? Kami poy aalis muna. Kapitana Putin: Opo, among maraming slamat po among. (Magmamano) Kura 1: (sa kasamang pari) Despues de ver el Gobernador a Manila, cogemeros el tren la Estacion de Guguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincial, porque esto va mal. Kura 2: Ya lo creo que va mal. (biglang ipapasok si Kapitan Inggo) Kapitana Putin: O, Inggo ko!!! Teong: Tatang!!! Julia: Kaawa-awa naman! Teong: Tatang, ikaw poy ititihaya ko nang hindi mangalay Inggo: Huwag na, anak ko hindi na maaari luray-luray na ang aking katawan. Bunso ko, huwag mong pabayaan ang Inang mo! Putin, ay Putin Juana, Julia, kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanya Ang kaluluwa koy inihain ko na kay Bathala. Adyos, mga kababayan. Akoy inyong patawarin. (mamamatay na si Inggo)

Teong: Langit na mataas!

(Monique, I suggest na magpakita na lang dito ng eksena kung saan nagkaroon ng pag-uusap sina Julia at Teong, tapos ini-hand-over yung medalio kay Teong. Tapos pati yung kunwari ipinabigay yung letter ni Julia kay Teong, through Lucas. 20 minutes lang kasi yung play eh. XD) SCENE 5: Lucas: Aling Julia, narito po ang pinuno nina

You might also like