You are on page 1of 1

APRIL 4, 2012 DATE

NR # 2699B
REF. NO.

Whistleblower bill aprub na


Sa bilang na 234 affirmative votes, inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill no. 5715, na tatawaging Whistleblower Protection, Security and Benefit Act of 2011 na naglalayong labanan ang katiwalian sa gobyerno at bigyan ng proteksyon, seguridad at benepisyo ang mga whistleblowers. Ayon kay Rep. Teddy Casino (Partylist, BayanMuna), ang may akda ng panukala, isang mabuting layunin ng Kongreso na pagpasa ng batas para sa proteksyon ng mga whistleblower upang hindi matakot ang nagnanais na ibunyag ang mga tiwaling opisyal sa gobyerno. Idinagdag naman ni Rep. Neri Colmenares na kailangan maibalangkas ang mga mekanismo para sa seguridad ng whistleblower o impormante na huwag silang magdalawang-isip na ibunyag ang mga katiwalian sa gobyerno. (30) eag

You might also like