You are on page 1of 1

APRIL 4, 2012 DATE

NR # 2699
REF. NO.

Mga lugar sa paligid ng Marikina watershed ligtas tirhan


Sinabi ni Rep. Francisco Matugas, chairman ng House Committee on Natural Resources, na dapat payagan ang mg taong naninirahan malapit na Marikina watershed maliban doon sa mga nakatira sa mga delikadong lugar na madalas magkaroon ng pagguho. Sa pangunguna ni Matugas, isang ocular inspection ang isinagawa ng komite sa loob ng Marikina watershed na kung saan naroroon ang isang komunidad. Kasama ni Matugas sina Reps. Romeo Acop, Teddy Brawner Baguilat, Herminia Roman at Philip Pichay, na nag-akda ng House Resolution No. 226 na nag-uutos sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa ng imbestigasyon at pag-aralan ang kalagayan at kondisyon ng Marikina River Watershed (MRW). Ayon kay Acop layunin ng panukala na tiyakin na ang Marikina River Watersheds long-term viability bilang likas-yaman, at maisama sa National Integrated Protection areas system sa ilalim ng RA 7568. Sinabi ni Matugas na handa ang Kongreso para bumalangkas ng mga batas para matugunan ang kalagayan ng mga residente doon kasabay ang pagbibigay ng proteksyon sa kalikasan. (30) eag

You might also like