You are on page 1of 1

APRIL 6, 2012 DATE

NR # 2701
REF. NO.

Puno ng niyog pinapatay ng mga insekto


Nangangamba ang mga kongresista sa patuloy na pagsira ng mga insekto sa puno ng niyog sa Southern Luzon at maaring magbunga itong pagbagsak ng industriya ng niyog. Naghain ng House Resolution No. 2112 nina Reps. Angelo Palmones (Party-list, AGHAM) at Sonny Collantes (3rd District, Batangas) para manawagan sa House Committee on Agriculture and Food para magsagawa ng isang imbestigasyon sa pagkasira ng mga puno ng niyog para makagawa ng solusyon para dito. Nagpahayag din ng pangamba si Palmones sa pagkalat ng mga insektong aspidiotus destructor na maaring kumalat sa buong rehiyon. Ayon kay Palmones may mga ulat na ang palm species tulad ng Palmera, Hawaiian Palm at Kaong ay sinisira na ng mga insekto, na maaring maapektuhan ang ibang industriya base sa palm group of plants kasama na ang ornamental at landscape industry. Sinabi ni Palmones na sinisipsip ng insekto ang nutrients at sap ng puno ng niyog dahilan para maging kulay brown ang mga dahon nito at tuluyang mamatay. Ang mga infested trees ay nagkukulang sa produksyon dahilan para mabawasan ang bilang ng mga bunga para sa isang puno, dagdag pa ni Palmones. Sa isang report, sinabi ni Palmones na may mahigit 43,389 na puno ng niyog sa pitong munisipalidad at 41 na barangay sa Batangas ang naapektuhan na ng mga insekto. Ang iba pang lugar ay sa lalawigan ng Laguna at Quezon. (30) eag

You might also like