You are on page 1of 1

APRIL 7, 2012 DATE

NR # 2702
REF. NO.

Metallurgical Engineering Law pagbubutihin


Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magaayos sa praktis ng metallurgical engineering, baguhin ang lumang probisyon at gawin itong makatotohanan at angkop sa lahat ng pangangailangan ng propesyon. Ayon sa may akda ng House Bill No. 5851 na sina Reps. Victor Yu (1 st district, Zamboanga del Sur) at Mariano Piamonte (Party-list, A Teacher), ang panukala ay angkop para matugunan ang pangangailangang umunlad ang kakayahan, maging prodaktibo, makahubog ng morally upright metallurgical engineers na ang pamantayan ng professional practice at service ay world-class at globally competitive. Ipapawalang-bisa ng panukala ang Presidential decree No. 1536, na kilala sa tawag bilang Metallurgical Engineering Law na magdadagdag ng bagong probisyon para makasunod sa Republic Act 8981 o ang PRC Modernization Act of 2000, alinsunod sa pamantayan ng lahat ng professional regulation organic laws. With the advancement in technological development, P.D. 1536 has been found ineffective considering that its provisions have become obsolete in promoting and regulating the practice of the metallurgical engineering profession, ang sabi ni Yu. (30) eag

You might also like