You are on page 1of 1

APRIL 10, 2012 DATE

NR # 2705B
REF. NO.

Oplan Bayanihan iimbestigahan ng Kongreso


Nanawagan ang mga mambabatas para sa isang imbestigasyon sa nangyayring patayan, panggugulo at pananakot sa umanoy kagagawan ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mga sibilyan at miyembro ng progresibong organisasyon. Hiniling ito nina Reps. Raymond Palatino (Partylist, Kabataan), Antonio Tinio (Partylist, ACT Teachers), Teddy Casino (Party list , Bayan Muna), Neri Colmenares (Party list, Bayan Muna), Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus (Party list, Gabriela) at Rafael Mariano (Party list, Anak Pawis) sa House Commiittee on Human Rights at imbitahan ang concrn parties para magbigay liwanag sa isyu. Ang charges ay may kaugnayan sa counter insurgency operations na isinasagawa ng military sa ilalim ng tinatawag na Oplan Bayanihan, sabi ni Palatino. Kinilala ni Palatino ang mga napatay ng military sa kanilang operasyon na sina Nicolas Ramos, 45 anyos na magsasaka mula sa Ilocos Sur; elmer Valdez, 33, magsasaka; Lester Barrientos, 19 miyembro ng Southern Tagalog Cultural Network sa San Jose, Occidental Mindoro; Rodel Estrallado, 34, ng Malilipot, albay at Kenneth Reyes, 28, president ng Bayan-Batangas at isang Barangay Captain ng Maguihan, Lemery, Batangas. Ang mga biktima naman ng illegal arrest, detention, torture, harassment, vilification at filing of trumped-up charges ay sina Mildred Salang-ey, 19, miyembro ng League of Progressive Student at Kabataan Party-list; Ernesto Bubod, 54, vice-chieftain ng Kalanguya-Igorot sa Nueva Ecija; 72 aktibista, na kilala bilang southern Tagalog 72; florencio Pagatpatan, 49, miyembro ng MAMBAYU, isang organisasyon ng magsasaka; Luinesa Bonella, 24, waitress; Joy Anannyo Attiw, 22, farm worker; Edward Galao, 30 magsasaka; at HIlario bantew, 43 (kilala bilang Cervantes 4 mula sa Ilocos Sur); Joel anonuevo, 38; Pedro Diaz, Jr., 25; Freddie Geronimo, 45; at Antonio Rivera, 35; Rufina Nolasco, 72 at Isabelo Alicaya, 59, lider mangingisda sa Batangas. Idinagdag pa ni Palatino ang isa pang paglabag sa karapatang pantao ay nang magkampo ang military sa lugar ng mga sibilyan at paggamit ng mga eskwelahan sa Barangay Hukay, Calatagan, Mountain Province; Guinobatan, Albay; at Barangay ambulugan, Narvacan, Ilocos Sur. (30) eag

You might also like