You are on page 1of 1

APRIL 12, 2012 DATE

NR # 2707
REF. NO.

Dudura sa pampublikong lugar, makukulong


Maaring makulong sa rehas na bakal at pagmultahin ang sinumang mahuling dumura sa pampublikong lugar kapag naisabatas ang House Bill No. 5901 na iniakda ni Rep. Eulogio Magsaysay (Party-list, AVE). Ayon kay Magsaysay, layunin nito na mabigyan ng solusyon ang masamang bisyo ng pagdura sa mga pampublikong lugar, na maaring magdulot ng sakit na tuberculosis (TB) at hepatitis. Sa panukala, ang sinumang walang paki-alam at sadyang dumura ng laway, plema, mucus o ibang substances sa pampublikong lugar gaya ng kalye, eskinita, bangketa, parke, palengke, public halls, malls, buildings, terminals, eskwelahan, simbahan, ospital at mga katulad na lugar ay papatawan ng kaukulang parusa. Binanggit ni Magsaysay ang ulat ng World Health Organization (WHO) na 75 Filipino ang namatay araw-araw sanhi ng TB na nakakahawa. Ang sabi ng WHO, matagal pang panahon para sa Pilipinas na mapuksa ang TB kahit nagpahayag ang Department of Health na makakaahon ang bansa na mabawasan ang namamatay sa TB ng 50% sa loob ng limang taon o hanggang 2015, sabi ni Magsaysay. Ang mycobacterism tuberculosis na sanhi ng TB ang nananatili sa tuyong lugar ng matagal hanggang walong buwan. Napag-alaman na ang pagdura ay isang sanhi ng pagkalat ng TB. (30) eag

You might also like