You are on page 1of 1

APRIL 12, 2012 DATE

NR # 2707B
REF. NO.

Proteksyon para sa maliliit na sasakyan


Ipag-uutos ng House Bill No. 5930 na gumamit ng underride prevention guard para sa mga trak, trailers at mga katulad na malalaking behikulo upang maiwasan ang aksidente ng banggaan ng kotse at trak. Ayon kay Rep. Winston Castelo, ang may akda ng panukala, panahon na upang bumalangkas ng batas para sa technical standards ng truck underride guards upang solusyonan ang lumalalang aksidente ng namamatay nasirang mga kagamitan sanhi ng banggaan ng kotse at trak. Ayon kay Castelo ang aksidente per 10,000 vehicles ay nagrehistro mahigit sa 41% gamit ang lumang 2000 figures mula sa Traffic Management Group, mahigit 72% ang nangyari sa Metro Manila. Ang bilang ng namatay sa kalsada ay tumaas mula sa 4,000 noong 1998 umabot ng 10,000 noong 2003. Sa panukalang batas, tatawaging itong Truck Rear Underride Safety Act of 2012, ang isang motor vehicles safety standard ay ipag-uutos na maglagay ng rear underride prevention guard para sa truck, trailers at iba pang malalaking sasakyan. Ang desenyo nito ay base sa 18 hanggang 20 pulgada taas ang kailangan para sa proteksyon ng maliliit na behikulo sa 40 mph crashes o sa local equivalent na 64 kph. Inaatasan ang Department of Transportation and Communications (DOTC) na mag-isyu ng kinakailangang technical guidelines, rules and regulations. (30) eag

You might also like