You are on page 1of 1

APRIL 14, 2012 DATE

NR # 2709B
REF. NO.

Riding-in-tandem sangkot sa krimen lagot sa Kongreso


Nanawagan ng isang imbestigasyon ang Kongreso kaugnay sa aktibidad ng mga kriminal sangkot ang riding-in-tandem na nasa likod ng serye ng robberies, snatching at pati na ang pagpatay sa Metro Manila at iba pang karatig lugar. Inihain ni Rep. Mark Villar ang House Resolution No. 2189 na humihiling sa Kongreso na amiyendahan ang Republic Act 3815 o ang Revised Penal Code para pataasin ang parusa laban sa riding-in-tandem na sangkot sa mga kriminalidad. Hiniling din ni Villar na imbitahan ng Kongreso ang mga opisyales ng Philippine National Police at lokal na pamahalaan para magbigay linaw sa isyu. Ayon kay Villar patuloy na tumataas ang bilang ng kriminalidad sa bansa subalit nahihirapan ang mga otoridad na sugpuin ang kaso ng pagnanakaw, kidnapping at pagpatay ng mga kriminal na sakay ng motorsiklo. Sa tala ng PNP may 1,700 crime incidents ang sangkot ang riding-in-tandem laban sa mahigit 2,069 katao noong 2011. Madalas ang kirmen sa Central Luzon na nagtala ng 791 insidente, 452 sa Visayas at 374 na kaso sa National Caapital Region. (30) eag

You might also like