You are on page 1of 1

APRIL 15, 2012 DATE

NR # 2710B
REF. NO.

Ala e, Baybayin pala ire!


Kung ang Japan ay may sariling script, Kanji at Hiragana, ang China ay may Han character, ang Koreans ay may Hangul, at sa Pilipinas naman ay mayroon ding sariling script na ang tawag ay Baybayin. Ayon sa House Bill No. 4395 na iniakda ni Rep. Leopoldo Bataoil (2nd district, Pangasinan) itataguyod ang Baybayin sa pamamagitan ng pagtatak nito sa lahat ng produktong gawa sa bansa o processed food products. Sa pagdepensa ni Bataoil sa House committee on Basic Education and Culture sinabi niya na kailangang protektahan at pangalagaan ang Baybayin script, isang sistema ng pagsulat na kilala at ginagawa noong unang panahon nang ipakilala ng mga Kastila ang latin-Roman script na popular na ginagamit ngayon. Isang makabagong nasyonalismo ang kailangang itaas para sa paglago ng ating bansa. Panahon na upang bawiin natin ang pambansang kalinangan na tangkang baguhin ng panahon, sambit ni Bataoil. (30) eag

You might also like