You are on page 1of 1

APRIL 16, 2012 DATE

NR # 2711B
REF. NO.

Moratorium sa demolisyon, hiniling


Umapila si Rep. Rafael Mariano (Party-list, Anakpawis) sa gobyerno sa mabilis na pagpapatupad ng pambansang moratorium sa puwersang pagpapalayas at demolisyon sa mga squatters. Ayon kay Mariano may 1.4 milyong mahihirap na pamilyang squatters sa buong bansa ang nahaharap ngayon sa mga pananakot at demolisyon. Binanggit ni Mariano ang marahas na demolisyon sa barangay Corazon de Jesus, San Juan City na 23 residente ang nasugatan noong Enero 11, 2012. Mahigit 100 pamilya ang nawalan ng tahanan at ilang indibiduwal, mga babae at batang musmos ang nasugatan o nahintakutan sa iligal at brutal na demolisyon. May 70,450 pamilya pa ang palalayasin na residente ng BIR Road Barangay Central, Scout Tuazon, South Triangle, Barangay Commonwealth, Payatas, Batasan Road, Holy Spirit, bagong Pag-Asa sa Lungsod Quezon; pangarap Village sa North Caloocan City; welfareville, mandaluyong; at Freedom Island, Las Pinas, Paranaque. Ang mga lugar sa lalawigan na apektado ng demolisyon ay ang Irishville Subdivision sa Baguio City; Barangay Patukan, at Mahinga Creek, Cebu City; Barangay Soliman, Davao City; Barangay Nabitasan, Iloilo City; at Barangay San Roque, Tarlac City. Ang Pilipinas ay binansagan ng International Human Rights Organization Centre on Housing Rights and Eviction (COHRE) bilang worlds housing rights violators, sabi ni Mariano. (30) eag

You might also like