You are on page 1of 1

APRIL 18, 2012 DATE

NR # 2713B
REF. NO.

Ikulong ang magnanakaw sa gamit ng gobyerno


Inaprubahan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magpaparusa sa magnanakaw, makikialam at sisira ang mga kagamitan ng gobyerno na ginagamit na pang-monitor ng kalamidad at seismologic phenomena. Sa House Bill No. 5932 na iniakda ni Rep. Angelo Palmones (Party-list, AGHAM) papatawan ng mabigat na parusa ang sinumang magnanakaw o makikialam sa gamit ng gobyerno sa risk reduction preparedness equipment at iba pang pasilidad. Makukulong ng 12 hanggang 15 taon at multang mula P1 milyon hanggang P3 milyon doon sa mahuling nagbebenta o bumibili ng ninakaw na mga gamit, pero batay sa pasya ng korte. Makukulong naman ng anim hanggang 10 taon at multang P500,000 hanggang P1 milyon na matagpuang may kasalanan nakialam sa mga kagamitan. Sa ilalim ng panukala, magbibigay ng pabuya ng hindi bababa ng P10,000 pero hindi lalampas ng P50,000 ang sinumang magbigay ng impormasyon para mahuli ang magnanakaw. (30) eag

You might also like