You are on page 1of 1

APRIL 21, 2012 DATE

NR # 2716
REF. NO.

May parusa sa magnanakaw ng mga kagamitan sa pambansang aklatan at museo


Ang pagnanakaw sa pambansang aklatan at museo sa ilalim ng Article 311 ng Revised Penal Code ay may katapat na parusang arresto mayor at multang hindi bababa sa 500 daang-piso. Ayon kay Rep. Lord Allan Jay Velasco (Lone District, Marinduque) hindi na angkop ang parusang ito kung ikokonsidera ang mga kahahalagang gamit sa museo na hindi matatapatan ng halaga ng salapi. Sa kanyang House Bill No. 5774, ang pagnanakaw sa mga kagamitan sa pambansang aklatan at museo ay may katapat na parusang arresto mayor at multang mula sa P16,000 hanggang P40,000. Layunin ng panukala na amiyendahan ang Article 311 ng Revised Penal Code upang mabago ang lumang multa at parusa. Sinabi ni Velasco na base pa sa 1930 ang presyo nito, ang taong ipinatupad ang batas. (30) eag

You might also like