You are on page 1of 1

APRIL 22, 2012 DATE

NR # 2717
REF. NO.

Department of Mining itatatag


Hiniling ng isang mambabatas na maglikha ng Department of Mining na magtatatag ng revised regulatory framework para sa environment-friendly mining industry. Malaki ang pangangailangan para sa well-regulated mining industry para payagan ang nagmimina na mapataas ang kontribusyon nito sa pambansang ekonomiya, habang tinitiyak nito ang maitaguyod at maproteksyonan ang kapaligiran, sabi ni Rep. Philip Pichay (1st District, Surigao del Sur). Sa kanyang House Bill No. 5781 o ang mungkahing Philippine Mining code of 2010, sinabi niya na ang pagminina ay isang gawaing capital-intensive at masusing pinag-aralan para eksplorasyon ng mga miniral reserve ng bansa. Layunin ng panukala na pawalang-bisa ang Republic Act 7942 (The Philippine Mining Act of 1995), R.A. 7076 (The peoples Small-Scale Mining Act of 1991) at Presidential Decree 128 (revising Commonwealth Act 136, na naglikha sa Bureau of Mines) at amiyendahan ang Section 15 ng Executive Order 192 (na magbibigay para sa reorganization ng DENR) at Section 25 ng R.A. 4274 (The Mining Engineering Law of the Philippines). Ayon kay Pichay ang mungkahing departamento ay siyang mangangasiwa sa conservation, management, development at wastong paggamit ng bansa sa mineral resources pati na ang licensing, permitting at regulation. Ang departamento ang titingin sa mining operations ng contractors partikular na sa mining practices na may kaugnayan sa proteksyon ng buhay at mga ari-arian, economy of operations, prevention of pollution, environmental protection at mineral conservation. (30)
eag

You might also like