You are on page 1of 1

APRIL 24, 2012 DATE

NR # 2719
REF. NO.

PISTON vs. ACTO sa RFID tagging


Mag-iimbestiga ang Kongreso sa panukalang Radio Frequency Identification (RFID) tagging para sa public utility buses ng Land Transportation Office (LTO). Inihain nina Reps. Rufus Rodriguez (1st District, Cagayan de Oro) at Maximo Rodriguez (Party-list, Anak Mindanao) ang House Resolution No. 2254 inaatasan ang House Committee on Metro Manila development na imbitahan ang lahat ng stakeholders pati na ang Department of Transportation and Communication (DOTC), LTO, Metro Manila Development Authority (MMDA), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator (PISTON) at iba pang ahensiya para maresolba ang isyu. Ayon kay Rodriguez kailangan liwanagin kung bakit hindi pabor ang PISTON at ibang transport operator sa RFID project, na ayon sa kanila ito ay money-making scheme. Bagamat hindi sang-ayon ang PISTON sa tagging scheme sa pangambang hindi makakatulong maibsan ang trapiko at maaring pagmulan lamang ng kurapsyon, suportado naman ito ng ACTO, sabi ni Rodriguez. Ang RFID tagging scheme ayon kay Rodriguez ay nangangailangan ng karagdagang halaga sa public utility, na ipapasa naman sa mga commuter na siya, sa bandang huli ang magpapasanan ng pagtaas ng pamasahe. Nauna dito, nagmungkahi ang LTO at DOTC para sa implementasyon ng paggamit sa RFID tag para lipulin ang mga out-of-line colorum PUBs at maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa mga pangunahin kalsada sa Metro Manila. Ayon sa LTO, madaling makikilala ang colorum units sa RFID tag sa PUBs na bumibyahe sa Metro Manila, lalo na sa EDSA. May mahigit 5,000 city buses at tinatayang 8,000 provincial buses ang bumibyahe sa EDSA at ibang kalsada sa Metro Manila, hindi pa kasama dito ang colorum buses. (30) eag

You might also like