You are on page 1of 1

APRIL 25, 2012 DATE

NR # 2720
REF. NO.

Parusa sa manggugulo sa pampublikong lugar, pinahihigpitan sa isang panukala sa Kamara


Nais ni Rep. Lord Allan Jay Velasco (Lone District, Marinduque) na amiyendahan ang Article 153 ng Revised Penal Code upang baguhin ang lumang multa at parusa sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC). Ayon kay Velasco, ang may akda ng House Bill No. 5815, ang presyo ng multa ay base pa sa 1930, ang taong isinabatas ito. Ang massive inflation at devaluation ng ating currency ay lipas na para sa multang magpaparusa ng RPC ay bale-wala na, sabi ni Velasco. Sa lumang parusa, nakasaad sa Article 153 arresto mayor at multang P1,000 ang sinumang manggugulo sa pampublikong lugar, opisina o establisimento, o gumambala o bulabugin ang pampublikong pagtatanghal at pagtitipon sa ilalim ng Revised Penal Code. Gayundin, ang parusang arresto mayor ay ipapataw sa sinumang indibiduwal na tangkang manigaw o magsulsol ng rebelyon at sedisyon o maglalabas ng placards o emblems na magbubunsod ng kaguluhan sa publiko. Sa panukalang batas ni Velasco, ang parusang arresto mayor sa medium period ay prison correctional sa minimum period at multang hindi tataas ng P80,000 ang ipapataw sa sinumang gagawa ng kaguluhan sa pampublikong lugar, opisina at establisimento at gagambala at mambubulabog sa pagtatanghal at pagtitipon. Pero mas mabigat na parusa ang ipapataw sa manggugulo at pinapalagay na napakagulo na likha ng higit sa tatlong katao na armado o may tangkang ng karahasan, dagdag pa ni Velasco. (30) eag

You might also like