You are on page 1of 1

APRIL 26, 2012 DATE

NR # 2721B
REF. NO.

Early voting para sa senior citizens laman ng panukala sa Kamara


Early Voting for Senior Citizens Act of 2012, ito ang buod ng House Bill No. 5963 na inikada ni Rep. Luis Quisumbing (6th District, Cebu). Layunin ng panukala na bigyan ng pagkakataon ang mga kwalipikadong senior citizens na bumoto ng mas maaga sa takdang araw ng national at local elections sa Office of the Municipal o City Election Registrar kung saan sila naka-rehistro. Hindi kamang-mangan, hindi kayamanan at katibayan ang ipinapataw sa kalayaan ng pagboto. Ang pagboto ang buhay na dugo ng demokrasya, sabi ni Quisumbing. Binanggit ni Quisumbing ang halalan noong 2010 national elections, sa news programs na ipinakita na umaalis ang mga senior citizens sa polling centers dahil hindi nila matagalan ang mahabang pilahan at matagal na proseso ang kanilang dinaanan bago sila pabotohin. Sa panukala, 30 araw bago ang araw ng eleksyon, ang Commission on Election ang magtatago ng record ng mga botanteng senior citizens. Makikipag-ugnayan ang Comelec sa Department of Interior and Local Government, Department of Health, at local government units (LGU) para sa sistema at tulong na ibibigay sa senior citizens. (30) eag

You might also like