You are on page 1of 1

APRIL 30, 2012 DATE

NR # 2725
REF. NO.

Araw ng Paggunita sa Digmaang Pilipino-Amerikano


Bilang pag-alala sa mga lalake at babae na nakipaglaban at namatay para ipagtanggol ang bansa noong panahon ng Philippine-American War, inihain ni Rep. Antonio Tino (Party-list, Act Teacher) ang House Bill No. 5783 na magdedeklara sa February 4 ng kada taon bilang Philippine-American War Memorial Day, special working holiday. Ayon kay Tinio ang dugo at buhay na pinuhunan ng mga Filipinos para idepensa ang kalayaan na nabawi sa mga Kastila at ipagtanggol ang First Republic of the Philippines laban sa puwersa ng Estados Unidos ng Amerika ay maituturing na kabayanihan ng makabagong panahon. Buong tapang na lumaban at hindi umatras ang hukbong sandatahan ng Unang Republika na pinamunuan ni pangulong Emilio Aguinaldo nang lumusob ang mga kalaban sa lalawigan ng Central Luzon, Ilocos at Cordillera, Panay at Eastern Visayas, Southern Tagalong at Mindanao. Matapos na madakip si Aguinaldo at natapos ang gera noong April 1901, nag-aaklas at patuloy pa rin ang pagtutol ng mga sundalo Filipino ang paghahari ng mg Amerkano. Ayon kay Tino, bagamat walang eksakto bilang ng namatay na Filipino, pero tinatayang aabot sa 34,000 at mahigit 200,000 sibilyan ang namatay sa enkwentro. Sa panukla batas, titiyakin ng Department of education, Commission of Higher Education ang pagsasagawa ng mga aktibidad sa mga paaralan para gunitain ang Araw ng Paggunita sa Digmaang Pilipino-Amerikano. (30) eag

You might also like