You are on page 1of 2

Aktibidad #.

Tamang pagkain o nutrisyon ng mga ina habang nagpapa-suso Layunin:


Magkaroon ng isang maikling talakayan patungkol sa tamang pagkain/nutrisyon habang nagpapasuso ang isang inang bagong-panganak Makapagbigay ng ilang mga mungkahi o halimbawa ng masusustansyang putaheng maaaring lutuin o kainin ng mga nanay na bagong-panganak

Uri ng aktibidad: mini-lecture cooking demo

Oras na nakalaan: 30 minutes Bilang ng facilitators na kailangan: 3 Mga materyales na kailangan: visual aids sangkap ng putaheng lulutuin gamit pangluto

Mga hakbang na gawain: Mini-lecture May maiksing talakayan ukol sa tamang nutrisyon/pagkain ng bagong panganak na ina. Basahin ang sumusunod: Bahagi ng pagiging mabuting ina ang pagsisiguro na tama at masustansiya ang iyong pagkain, lalo na habang nagpapasuso. Hindi kailangan ng espesyal na diet ang isang inang bagong panganak. Ang mahalagay nakakakain siya ng sapat at wasto. Bagamat maraming mga pag-aaral ang nagsasabing hindi gaano naaapektuhan ng nutrisyon ng nanay ang kanyang gatas, mahalaga pa rin ang pagkain ng wasto at masustansiya upang mapangalagaan ng ina ang kanyang katawan. Habang nagpapasuso, mahalagang tandaan at sundin ang mga sumusunod: Kumain ng balanse at wasto. o Mahalagang kumain araw-araw ng gulay, prutas, kanin, at protina (itlog, isda, manok, atbp.). o Uminom ng maraming tubig (6-8 baso) araw-araw. o Bawasan ang pag-inom ng kape, tsaa, softdrinks, o kahit anong inuming mataas sa caffeine. Huwag manigarilyo at uminom ng alak.

Ang malunggay ang isa sa mga pinaka-nirerekomenda para sa mga inang nagpapasuso. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga nanay na kumakain ng malunggay habang nagpapasuso ay nakagagawa ng mas maraming gatas para sa kanilang mga sanggol. Bukod dito, ang malunggay ay isa sa mga pinakamasustansyang pagkain ito ay mayroong mas maraming Bitamina A kaysa sa carrots, mas maraming Calcium kaysa sa gatas, mas maraming Iron kaysa sa spinach, mas maraming Bitamina C kaysa sa kahel, at mas maraming potassium kaysa sa saging. Mayroon din itong protina na kasing dami nasa gatas o itlog. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI), ang 1 tasa ng lutong malunggay ay mayroong 3.1 grama ng protina, 0.6 g fiber, 96 mg Calcium, 29 mg Phosphorus, 1.7 mg Iron, 2,820 mg B-Carotene, 0.07 mg Thiamine, 0.14 mg Riboflavin, 1.1 mg Niacin at 53 mg Ascorbic Acid/Bitamina C.

Napatunayan din ng ilang mga pag-aaral na ang malunggay ay epektibo laban sa pagdebelop ng mastitis o impeksyon ng suso dulot ng pagbara ng milk ducts o daluyan ng gatas, isang kundisyon na malimit makita sa Pilipinas sa mga nagpapasusong ina. Ang sintomas ng mastitis ay ang pananakit ng suso o utong, lagnat o trangkaso. Cooking demo (Malunggay) Maaaring magpalabas ng video ng cooking show o gawin ang cooking demo na live*.

You might also like