You are on page 1of 1

MAY 7, 2012 DATE

NR # 2732
REF. NO.

Mas mataas na parusa sa paninirang puri hiling ng mambabatas


Iminungkahi ni Rep. Lord Allan Jay Velasco (Lone District, Marinduque) na gawing P16,000 ang multa laban sa pang-iintriga at paninirang-puri sa kapwa. Sa House Bill No. 5830, iminungkahi din ni Velasco ang pag-amiyenda sa Article 364 (intriguing against honor) ng Revised Penal Code para ang parusa ng arresto mayor o ang multa na hindi lalampas ng P16,000 ay ipataw sa mang-iintriga na ang layunin ay dungisan ang dangal at sirain ang reputasyon ng isang indibiduwal. Ang kasalukuyang multa dito ay arresto mayor at multang P200. Idinagdag pa ni Velasco na base pa sa 1930 ang presyo para sa multa. Tumaas na lahat ang mga bilihin pero nananatili pa rin luma ang multa na pinagbabasehan. (30) eag

You might also like