You are on page 1of 1

MAY 8, 2012 DATE

NR # 2733
REF. NO.

Pagtatatag ng Central Credit Information Corporation hiling ng mambabatas


Sa bisa ng House Resolution No. 2026, nanawagan si Rep. Rufus Rodriguez (2 District, Cagayan de Oro) para sa isang congressional inquiry tungkol sa pagkabigo ng gobyerno na maitatag ang Central Credit Information Corporation (CCIC) sa ilalim ng Republic Act 9510, kilala sa tawag na Credit Information System Act in 2008.
nd

Makaraan ang tatlong taong maisabatas ito, nagtatanong si Rodriguez kung bakit walang CCIC ang naitatag para hindi mapinsala ang micro, small and medium enterprises (MSMEs). Binanggit ni Rodriguez ang Section 5 ng Republic Act 9510 na lumikha sa korporasyon na kikilalaning Credit Information Corporation (CIC), na ang pangunahing layunin ay tumaggap at pagsamahin ang mga credit data, umakto bilang central registry o central repository ng credit information. Isinusulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa pagtatatag ng CIC dahil papayagan nito ang credit-worthy enterprises na mapadali ang pag-secure ang bank loans at nakatulong sa pangangailangan ng MSME para palakasin ang kanilang credit access, sabi ni Rodriguez. (30) eag

You might also like