You are on page 1of 1

MAY 8, 2012 DATE

NR # 2733B
REF. NO.

Kasaysayan ng Bangsamoro isasama sa curriculum


Malamang na maging paksa ang kasaysayan ng Moro o Bangsamoro sa curriculum sa pampubliko at pribadong paaralan sa bansa. Ayon kay Rep. Edgardo Angara (Lone District, Aurora) inihain niya ang House Bill No. 270 dahil kailangang malalim na malaman ang problema ng Moro, na siyang historical at systematic marginalization at minoritization ng Islamized ethno-linguistic groups na kinabibilangan ng Moro nation o Bangsamoro. Maari natin itatag ang kapayapaan kung magkakaroon ng pag-unawa ang bawat isa. Matagal nang hindi nagkakaroon ng magandang relasyon ang Muslims at Christians. At matagal na rin nating inaasam ang lasting peace sa pagitan ng Muslims, Christians at Lumads, sabi ni Angara. Ayon kay Angara, nag-umpisa ang problema buhat pa noong Spanish era at sinundan ng Americans, at pinakahuli, ang humalili Philippine governments na pinangibabawan ng mga piling-tao na may Christian-Western orientation. Ito ang background ng kasalukuyang armed struggle na nakapaloob noon pang late 1960s at early 1970s at nagpapatuloy pa hanggang sa ngayon. Ang kapayapaan ay nagsisimula sa pusot damdamin ng isang tao. Isa sa pinaka-importanteng institusyon para dito ay ang paaralan o educational system. Dagdag pa ni Angara. (30) eag

You might also like