You are on page 1of 1

MAY 9, 2012 DATE

NR # 2734
REF. NO.

Blackmail para magkapera, may mataas na parusa


Inihain ni Rep. Lord Allan Jay Velasco (Lone District, Marinduque) ang House Bill No. 5834 para amiyendahan ang Article 356 ng Revised Penal Code para baguhin ang parusang ipapataw sa krimen pati ang multa, pagkakakulong at civil disqualification components. Sa panukala, ang sinumang tao na manakot ilathala ang pagkatao ng isang indibiduwal, asawa, anak, at iba pang miyembro ng pamilya para pagkakitaan at papatawan ng parusang arresto mayor o multang P16,000 hanggang P160,000. Masyado nang luma ang multa nakasaad sa Article 356 ng RPC. Hindi na ito nabago mula ng isabatas ito kahit na nag-devaluation at inflation ang ating salapi, dagdag pa ni Velasco. (30) eag

You might also like