You are on page 1of 1

MAY 9, 2012 DATE

NR # 2734B
REF. NO.

Kulong at multa sa pabayang magulang


Anim na buwan at isang araw hanggang 12 taon na pagkakabilanggo at multang P50,000 pero hindi aabot sa P100,000 ang parusang ipapataw sa mga nagpabayang magulang at nag-abandona ng kanilang anak. Ito ang nakasaad sa House Bill No. 1056 na iniakda ni Rep. Rufus Rodriguez (2 District, Cagayan de Oro) na naglalayong patawan ng mas magibat na parusa para ang mga nagpabayang magulang at amiyendahan ang Articles 276, 277 at 278 ng Revised Penal Code.
nd

Sa kasalukuyan, ang multa sa ibat ibang paglabag sa inabandonang bata ay mula P5,000 hanggang P15,000. Sa ilalim ng panukala, kapag namatay ang bata bunga ng pag-abandona ng kanyang magulang, anim hanggang 12 taon siyang mabibilanggo. Pero kung nalagay naman sa panganib ang buhay ng bata, prision correctional lamang ang parusang ipapataw sa medium at maximum period. Bilang karagdagang parusa, pagkakaitan siya ng karapatan na kupkupin ang bata, dagdag pa ni Rodriguez. (30) eag

You might also like