You are on page 1of 1

MAY 14, 2012 DATE

NR # 2739
REF. NO.

Pagmimina ng itim na buhangin, nais paimbestigahan sa Kamara


Hiniling ngayon ni Rep. Teddy Casino (Party-list, Bayan Muna) na magsagawa ng imbestigasyon ang Mababang Kapulungan sa umanoy talamak na pagmimina ng itim na buhangin sa mga dalampasigan ng Pangasinan, Cagayan at iba pang lalawigan sa bansa. Ayon kay Casio napagpasiyahan niyang maghain ng resolusyon, ang House Resolution 2097, at humiling ng imbestigasyon matapos niyang magsagawa ng inspeksiyon sa Lingayen, Pangasinan hinggil sa umanoy iligal na operasyon ng magnetite mining na nakakaapekto sa mga dalampasigan at sa ecosystems ng mga lalawigan kung saan mayroong black sand mining. Kinundena rin ni Casio ang ilang ahensiya ng pamahalaan na nagbigay at patuloy na nagbibigay pahintulot sa ilang kumpanya na magsagawa ng black sand mining operations kahit na may matinding pagtutol sa mga lokal pamahalaan at residente na maaapektuhan ng operasyon. Kinuwestiyon din ng mambabatas ang ilang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pumapayag sa paglaganap ng operasyon ng pagmimina ng itim na buhangin. Isa sa kinilala ni Casino na nagsasagawa ng pagmimina ay ang Alexandra Mining and Oil Ventures, na kinalaunan ay kinilala bilang Xypher Builders Inc., na umano ay nagsasagawa ng large-scale mining operations na may mineral processing plant ngunit wala naming environmental compliance certificate o ECC na nakasaad sa batas. Ilan pa sa mga bayan na umanoy laganap ang iligal na magnetite mining operations ay sa mga bayan ng Aparri, Buguey, Lallo, Camalaniugan at Gonzaga sa lalawigan ng Cagayan kung saan ang mga minahan ay pag-aari at pinamamahalaan umano ng ilang Tsino at Koreanong namumuhunan, dahilan upang masira ang mga pananim, pagbaba ng huli ng isda, pagkasira ng komunidad, pagkasira at pagbagsak ng lupa sa gilid ng mga ilog at maging ng paglabag sa karapatang pantao sa nabanggit na mga lugar. Dagdag pa ni Casio tanging ang mga pamahalaang panlalawigan ang kadalasang nagbibigay ng pahintulot upang makapagsagawa ng pagmimina kahit na ipinababawal sa kasalukuyan ang black sand mining sa ilalim ng Batas Pambansa 265 o ang Act prohibiting the Extraction of gravel and sand from the beaches. Ayon pa sa mambabatas kahit na nagpahayag ang Mines and Geosciences Bureau ng DENR na ang malaki ang maitutulong ng magnetite mining upang magkaroon ng trabaho at mapaunlad ang local steel industry, inamin din ang ahensiya na wala pang pag-aaral at imbentaryo ng lawak at dami ng black sand resources sa bansa. Ang black sand, o magnetite, paliwanag pa ni Casio, ay isang mahalagang pinagkukunan ng mineral na ginagamit sa paggawa ng bakal, generation ng high-density concrete, paggawa ng ordinary toner na ginagamit sa mga photocopy machines at ginagamit din para sa high temperature coating sa mga steam boiler. (30) sb

You might also like