You are on page 1of 1

MAY 15, 2012 DATE

NR # 2740
REF. NO.

Ilatag ang plano


Nanawagn si Rep. Mark Villar (Lone District, Las Pias City) para sa isang imbestigasyon ng Kamara upang malaman ang kakayanan ng gobyerno na magsagawa ng hakbang para salungatin ang epekto sa ekonomiya sanhi ng patuloy na pagtaas ng langis na malalang nararamdaman ng mga mahihirap. Ayon kay Villar kailangang ilatag ng gobyerno ang isang plano para pahinain ang epekto ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo at ang maidudulot nito sa karamihan ng Filipino. Idinagdag pa ni Villar na may ilang grupo ang nagpahayag ng pagka-alarma sa implikasyon ng ekonomiya at sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Binanggit ni Villar ang kilos-protesta ng mga transport group na dumadaing na tulungan ang mga tsuper at ang kanilang pamilya na makaahon sa pagtaas ng presyo ng langis at iba pang pangunahing pangangailangan. Sa House Resolution no. 2279, sinabi ni Villar sa House Committee on Economic Affairs na gumawa ng mga mekanismo ang gobyerno para protektahan nag mahihirap na Filipino mula sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. (30) eag

You might also like