You are on page 1of 1

MAY 17, 2012 DATE

NR # 2742
REF. NO.

Mga mangingisda apektado sa reclamation projects ng gobyerno


Maraming mangingisda ang maa-apektuhan kapag ipinagpatuloy ng gobyerno ang planong reclamation project sa maraming lugar sa bansa. Ayon kay Rep. Rafael Mariano (Party-list, Anakpawis) masasakop ng proyekto ang mahigit 38,000 ektaryang lupain sa Cavite, National Capital Region, Davao Gulf, Bulacan, Pampanga at Bataan. Ayon kay Mariano kabilang ang proyekto sa Philippine Reclamation Authority (PRA) Resolution 4161 na may petsang Pebrero 25, 2011 na isinumite sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para aprubahan. Inaprubahan din ito ng National Reclamation Plan (NRP). Idinagdag pa ni Mariano ang reclamation project ay sa ilalim ng Public-Private Partnership program ng administrasyong Aquino na maaring magresulta sa pagtaboy sa libu-libong naninirahan sa mga apektadong lugar. Mahigit 3,500 maliliit na mangingisda at kanilang pamilya sa Pasay Reclamation area at may 3,000 mahihirap na pamilya sa baybayin ng Paranaque ang itinaboy ng administrayong Ramos para magbigay daan sa reclamation projects. Sinabi ni Mariano na bumaba ang nahuhuling isda ng mga mangingisda na naninirahan sa Manila Bay mula sa dating 15 hanggang 20 kilos isang araw ay naging tatlo hanggang limang kilo kada araw. (30) eag

You might also like