You are on page 1of 1

MAY 21, 2012 DATE

NR # 2746
REF. NO.

Mga abusadong bus operators nais paimbestigahan ng mambabatas


Mag-iimbestiga ang Kongreso sa paglabag at pag-abuso ng mga bus operators na nagsamantala sa kakulangan ng bus at iba pang transportasyon sa panahon ng Holy Week at piesta opisyal na puminsala sa mga pasahero. Hiniling ni Rep. Rodel Batocabe (Party-list, Ako Bicol) sa House Committee on Transportation at Bicol Recovery and Economic Development sa pamamagitan ng House Resolution 2324 na imbestigahan ang napa-ulat na insidente pa na rin sa kaligtasan ng publiko. Ayon kay Batocabe hindi lamang nilalabag nito ang public utility and transportation law kundi nalalagay sa alanganin ang buhay at kaligtasan ng mga pasahero. Hindi dapat linlangin ang publiko sa maling advertisement ng komprtable, ligtas at executive class service ng kanilang buses, sabi ni Batocabe. Ayon sa kanya, ang dagsa ng mga pasahero mula sa Metro Manila at probinsya ay sa tuwing Lenten season, holidays, fiesta at bakasyon. Sa kabila ng mga inspeksyon na ginagawa ng Department of Transportation and Communications (DOTC) at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa ibat ibang istasyon ng bus bilang paghahanda sa Holy Week, mayroon pa rin mga ulat ng paglabag at pag-abuso ng bus operators. (30) eag

You might also like