You are on page 1of 1

MAY 21, 2012 DATE

NR # 2746B
REF. NO.

Paggamit ng shabu pinakamataas sa Pilipinas sa boung Silangang Asya ayon sa UN


Sa 9,850 drug operations, 8,491 ang suspect na naaresto at 9,995 na kaso ang naisampa sa korte. Aabot ng 90 porsiyento ng kaso ang nakabinbin sa korte sa National Capital Region ng drug-related at malaking hamon para sa prosekusyon. Sa datos na ito, nalagay sa ulat ng National World Drug Report ang Pilipinas bilang nangungunang bansa sa East Asia na gumagamit ng shabu. Bagamat hindi tama ang datos, dapat itong masolusyunan. Hindi ito biru-biro, sabi ni Rep. Winston Catelo, ang humiling sa imbestigasyon ng Kongreso sa pamamagitan ng House Resolution no. 2331. Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency, sinabi ni Castelo na mula Enero hanggang Oktubre 2011 nasamsam ng mga pulis ang 250 kilograms ng shabvu na nagkakahalaga ng $68 milyon katumbas ng P2.92 bilyon, nakumpiska ang 818 kilograms ng marijuana, 17,222 grams ng cocaine, 960 tablets ng ecstasy na nagkakahalaga ng $17.4 milyon $2 milyon at $26,790. Ayon kay Castelo ang Chinese organized group at ang West African Drug Syndicate (WADS) pa rin ang primary organizers at financiers ng shabu trafficking na nag-ooperate sa Northern Luzon at iba pang bansa sa Southeast Asian. (30) eag

You might also like