You are on page 1of 1

MAY 22, 2012 DATE

NR # 2747
REF. NO.

Programang pang-edukasyon sa mga preso hiling sa DepEd


Sa 12,000 bilanggo sa National Bilibid Prison sa Muntilupa City, kalahati dito ang hindi nakatapos ng elementary. Ang katotohanang ito ang marahil nagpababa sa antas ng edukasyong natapos ng isang indibiduwal kaya nagawa silang labagin ang batas at gumawa ng krimen, sabi ni Rep. Winston Castelo. Sa pamamagitan ng House Resolution no. 2342, hiniling ni Castelo sa Department of Education na gumawa ng curriculum para sa mga bilanggo na intresadong ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral habang tinatapos ang kanilang sintensya. Sa kasalukuyan, sa ilalim ng Bureau of Corrections rehabilitation program, ang mga bilanggo ay binigyan ng oportunidad na makaranas ng formal education classes para sa intermediate, secondary hanggang collegiate courses. Gayundin naman, nag-aaral din sila ng vocational at livelihood skills training gaya ng basic electronics at automotive repair, practical electricity, handicraft making, art painting, clothing designs, basic welding and computer literacy courses para sa juvenile offenders. Isang sub-program na tinaguriang Alternative Learning System na may kinalaman sa adult literacy at values formation. (30) eag

You might also like