You are on page 1of 1

MAY 22, 2012 DATE

NR # 2747B
REF. NO.

RR 2-2012 ng BIR nais paimbestigahan ng mambabatas


Hiniling ng mga mambabatas sa Kamara na imbestigahan ang issuance ng Revenue Regulatory No. 2-2012 na nag-uutos sa mga kumpanya ng langis na mag-apply para sa tax refunds at irehistro ang lahat ng kanilang storage facilities sa Free port at economic zones, isa ito sa binanggit ng mga kongresista na ang derektiba ay sumasalungat sa ilang probisyon ng RA 7227 na kilala bilang Bases Conversion and Development Act od 1992. Nag-isyu ang Bureau of Internal Revenue noong Feb. 17, 2012 ng Revenue Regulation 2-2012 para labanan ang umanoy talamak na oil smuggling at tiyakin ang maayos na nakokolekta ang buwis mula sa produktong petrolyo na inaangkat sa Pilipinas, kabilang na ang nangagaling mula sa Freeport Zones at Economic Zones. Pero ayon kina Rep. Jeci Lapus at Carmelo Lazatin, isang masusing pag-aaral sa RR 2-2012 ang nagpapakita na yumapak sa ilang probisyon ng RA 7227 o ang batas na lumikha sa Subic Special Economic and Freeport Zones at ang Clark Freeport Zones. Sabi ni Lapus sumasalungat sa RR 2-2012 ang Section 12 ng RA 7227 na nagsasad na Subic Special Economic Zones shall be operated and managed as a separate customs territory ensuring free flow or movement of goods and capital within, into and exported put of the Subic Special Economic Zones, as well as provide incentives such as tax and duty-free importations of raw materials, capital and equipment. (30) eag

You might also like