You are on page 1of 1

MAY 24, 2012 DATE

NR # 2749
REF. NO.

Pagtatag ng National Food Security Council hiling ng mambabatas


Isinulong ni Rep. Isidro Ungab (3rd District, Davao City) ang paglikha ng isang ahensiya na magsisilbi bilang main policy-making at coordinating body ng gobyerno na mamamahala para matamo ang layunin ng bansa sa food security at self-sufficiency. Sa ilalim ng House Bill no. 6035, kikilalanin itong National Food Security Act sa hangaring matamo ang sustainable long-term food security para sa mamamayang Filipino. Ayon kay Ungab, nakakapinsala sa agrikultura ang epekto ng pagbabago ng panahon kayat bumababa ang reserba ng pagkain kayat napipilitang hindi na magluwas ng pagkain ang mga pangunahing bansa para tiyakin ang kanilang pangangailangan pagkain. Ang bigas ang pangunahing pagkain ng Filipino at kung gusto nating maa-attain ang food security ng bansa, kailangang maging self-sufficient tayo sa bigas, sabi ni Ungab. (30) eag

You might also like