You are on page 1of 4

Ang modyul ay isang kagamitan sa pagtuturo at pagkatuto na buo at ganap sa kanyang sarili at naglalahad ng mga tiyak na takdang gawain

sa isang kaparaanang sistematiko. Ito ay naglalayong ang estudyante ay mag-aaral sa kanyang sarili nang walang aklat at walang pamamatnubay ng guro. Ito ay maaaring gawin sa tahanan o saanman sa labas ng paaralan. May mga modyul na hindi maipasok ang lahat ng mga gawaing kinakailangn, kaya may mga panutong ibinibigay tulad ng pagsasadya sa aklatan at pagpunta sa ibang lugar o pakikipanayam sa mga taokapag may ganitong panuto, tiyakin lamang na ang mga ito ay matatagpuan sa sariling pamayanan ng mag-aaral upang maiwasan ang anumang suliranin. Mga Bahagi ng Modyul

Ang mga modyul ay magkakaiba-iba ang uri, anyo at bahagi. Ang ikinaiba ng isang modyul sa iba pang modyul ay nababatay sa paghahanda nito sa paraan, sa asignatura, sa pagkakaiba-iba ng gagamit at sa lugar na paggagamitan.

Ang ayos at mga bahagi ng modyul na karaniwang ginagawa dito sa atin ay may ganitong pagkakasunud-sunod. 1. Pamagat (Title) Ano ang pamagat ng modyul? 2. Mga Mag-aaral na Gagamit (Target Learner) Ang mga mag-aaral ba ay nasa loob ng silid-aralan? Mga kabataan sa pamayanan? O mga kabataang hindi nag-aaral? (outof-school youth) 3. Lagom Pananaw (overview) Tungkol saan ang modyul? Ibigay ang kahalagaan nito 4. Layunin (Objectives) Anong mga tiyak na kaalaman, kakayahan o kasanayan ang inaasahang makamit sa pag-aaral ng modyul?

5. Panuto o Instruction sa Mag-aaral (Instruction to the Learner) Ilalagay dito ang mga hakbang kung paano gagamitin ang kabuuang modyul.

6. Mga kakailanganing Kahandaang Gawin (Entry Behavior) Anu-ano ang nararapat na alam ng mag-aaral bago magsimulang pag-aralan ang modyul? 7. Paunang Pagsubok (Pre-Test) Ang pagsusulit na ibinigay dito ay base sa kailangang kahandaang gawi. 8. Mga Sagot sa Paunang Pagsubok (Feedback)

9. Mga Gawain sa Pagkatuto (Learning Activities) Ito ang pinakakatawan ng modyul. Dito inilalahad. a. Ang aralin o mga aralin b. Ang pagsasanay o mga tanong na sasagutin c. Ang mga inaasahang sagot sa tanong upang mabatid agad ng mag-aaral ang wastong tugon. 10. Pamuhatang Sangguniang Pagsusulit (Criterion Post Test) Ang pangwakas na pamuhatang pagsusulit ay ibinibigay dito upang masubok kung gaano ang natutuhan ng mag-aaral sa kanyang pagaaral ng modyul. 11. Sagot sa Panukatang Pagsusulit 12. Pagpapahalaga (Evaluation) Nakatulong ba ang modyul sa katuparan ng mga layunin?

You might also like