You are on page 1of 1

MAY 29, 2012 DATE

NR # 2754B
REF. NO.

Dalawang puno bawat sanggol na isisilang hiling ng HB 6087


Magtatanim muna ng dalawang puno ang bawat isang magulang na nagsilang ng anak bago nito makuha ang certificate of live birth ng sanggol. Nakasaad ito sa House Bill No. 6087, o ang tinatawag na Family Tree Planting Act of 2012, na nag-uutos sa mag-asawa na nakatira sa Pilipinas, kahit na sila ay kasal o hindi kasal, na magtanim ng dalawang puno para sa bawat anak na isisilang. Ayon kay Rep. Edwin Olivarez (1st District, Paranaque), ang may akda ng panukala, ang puno ay pwedeng itanim sa bakuran ng kanilang bahay o sa lugar na itatalaga ng Provincial Environmental and Natural Resources Office (PENRO) o ng Community Environment and Natural Resources (CENTRO) kung saan sila nakatira. Bago isyuhan ng Local Civil Registrar ng lungsod o munisipalidad ng birth certificate, kailangang magbigay ng joint affidavit na nagpapatunay na sila ay nagtanim ng dalawang puno bilang pagsunod sa batas at ipi-presinta ito sa civil registrar. Mag-iisyu ang Punong Barangay ng affidavit of compliance kung ang puno ay naitanim na sa kanilang lugar o sa itinalagang lugar ng PENRO at CENTRO. Ang certificate of compliance ang unang kailangan para ma-release ang certificate of live birth ng bata para matiyak na sumunod ito sa kautusan, sabi ni Olivarez. (30) eag

You might also like