You are on page 1of 1

MAY 30, 2012 DATE

NR # 2755
REF. NO.

Palakihin ang bata sa wastong nutrisyon


Inihain ni Rep. Rodante Marcoleta ang House Bill No. 1330 para lumikha ng Barangay Integrated Development Approach for Nutrition Improvement Program (BIDANI), isang programang magsasaliksik kasama ang mga kolehiyo at unibersidad sa bansa. Kailangang bigyan at pangunahan natin ng nutrisyon sa kaalaman at ipaalam ang ibat ibang pamamaraan sa medisina na may kaugnayan sa nutrisyon para sa mahihirap, sabi ni Marcoleta. Idinagdag pa ni Marcoleta na ang pangunahing tungkulin ng BIDANI na matugunan ang nutrisyon sa kabuhayan ng mga pahihirap base sa tema ng National Nutrition Council Pagkain at paglaki ay bantayan, upang ang wastong nutrisyon ay makamtan. Sa paraang ito, ang programa ay hihikayat sa bawat pamilya at komunidad na panatilihin ang childrens normal growth, sa pamamagitan ng wasto pagkain at ugaling regular ang pag-monitor habang lumalaki ang bata. (30) eag

You might also like