You are on page 1of 1

MAY 31, 2012 DATE

NR # 2756B
REF. NO.

Parusa sa lihim na pagsubaybay, kulong na multa pa!


Nakasalang sa deliberasyon ng House Committee on Justice ang tatlong hiwalay na panukala na naglalayong liwanagin at parusahan ang krimen sa lihim na pagsubaybay sa ilalim ng Anti-Stalking Act. Isinulong ni Rep. Niel Tupas, Jr. na aprubahan ang panukalang Anti-Stalking Act dahil ang kasalukuyang civil at criminal ay di sapat para hadlangan ang lihim na pagsubaybay. Sa panukala ni Rep. Gloria Macapagal-Arroyo (2nd District, Pampanga), pagkakabilanggo ng anim na buwan hanggang anim na taon at multang hindi hihigit sa P500,000 ang katapat na parusa, o ayon sa kagustuhan ng korte. Sa bersyon naman ni Rep. Salvador Escudero III (1st District, Sorsogon) ang taong nahatulan ng lihim na pagsubaybay ay may katapat na parusang prision correcional hanggang anim na buwan hanggang anim na taon at multang hindi bababa ng P100,000 pero hindi hihigit sa P50,000 at batay pa rin sa kagustuhan ng korte. Sa panig naman nina Reps. Irwin Tieng at Michael Velarde (Party-list BUHAY) ang parusa ay mula anim na buwan hanggang dalawang taon pagkakabilanggo at multang P20,000 hanggang P50,000 sa sinumang lumabag sa probisyon ng nasabing panukala. (30)
eag

You might also like