You are on page 1of 1

MAY 31, 2012 DATE

NR # 2756
REF. NO.

Pag-amiyenda sa NIRC
Hiniling ni Rep. Catalina Cabrera-Bagasina (Party-list, ALE) na amiyendahan ang National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997 para taasan ang tax exemption ng lahat ng trabahador at magbigay ng karagdagang exemption para sa indibiduwal lalo na ang benepisyo ng mga ito. Ayon kay Bagasina ang pagbaba ng buwis na binabayaran ng mga trabahador ay malaking tulong upang iangat ang kanilang kabuhayan. Sa House Bill No. 6092 o ang mungkahing Tax Reform Act of 2012, iminungkahi ni Bagasina na pag-amiyenda partikular sa Section 32 (B) of Republic Act 8424, na kilala sa tawag na NIRC of 1997. Partikular na tinuloy ni Bagasina ang pag-amiyenda sa Section 32 (B) (7) (E) ng NIRC na isama sa gross income ng 13th month pay at iba pang benepisyo, upang ang gross benefits na natatanggap ng mga opisyal at empleyado sa public at private entities sa ilalim ng subparagraph ay hindi bababa ng P100,000. Sa kasalukuyang batas nagbibigay ito ng hindi bababa sa P30,000. (30) eag

You might also like