You are on page 1of 11

Ang Talambuhay nina:

Jose Maria Panganiban Jose Garcia Villa Leona Florentino

Ipinasa Ni: ESTEVES, ROLYN MAE C. 4- ST. AGNES

Ipinasa Kay: Gng. Mangosing

JOSE MARIA PANGANIBAN

JOSE MARIA PANGANIBAN Si Jose Maria Panganiban y Enverga na pinagmamalaking anak ng Bikol ay isinilang sa Mambulao, Camarines Norte noong Pebrero 1, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Vicente Panganiban na taga-Hagonoy, Bulacan na naempleyo bilang Clerk of Court sa Daet Camarines Norte at Juana Enverga na mula naman sa Mauban, Quezon (noon ay Tayabas). Pangatlo siya sa tatlong anak na lalaki ng magasawa. Si Panganiban ay isa sa mga aktibong repormista noong panahon ng Propaganda. Sa katalinuhan at kagitingan ay maihahanay siya kay Jose Rizal. Sinasabing ang pagiging makabayan ni Andres Bonifacio at ang pagiging magaling na manunulat ni Marcelo H. Del Pilar ay makikita kay Jose Ma. Panganiban. Katulad ni Rizal, natutuhan ni Panganiban ang alpabeto at mga unang dasal na dapat matutuhan ng isang bata sa kanyang ina. Kakaiba siya sa mga batang katulad niya sapagkat pambihira ang kanyang hilig sa pagbabasa ng mga aklat. Higit na kinagigiliwan niya ang pagbabasa kaysa sa pakikipaglaro sa mga batang lalaki tulad niya.. Nag-aral si Jose Ma. Panganiban sa Seminary of the Paulist Fathers sa Naga, Camarines Sur (noon ay Nueva Caceres). Dito ay ginulat niya ang kanyang mga guro sa taglay niyang katalinuhan. Nagpakita siya ng kahanga-hangang katalilluhan sa lahat ng larangan ng pagaaral tulad ng literatura, pilosopiya, mga wika, matematika, likas na agham at iba pa. Ang kanyang paglilingkod bilang katulong sa panggagamot sa klinika ng seminaryo ang umakit sa kanya upang magkaroon ng interes sa medisina. Humanga sa kanya ng labis ang director ng seminaryo kaya ipinadala siya sa Maynila upang mag-aral. Natapos niya ang digring Bachiller en Artes sa Colegio San Juan de Letran nang may karangalan. Iyon ang naging daan upang magsimula siyang magaral ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas. Samantalang nag-aaral ng medisina, nag-aral din siya ng isang taong kursong pang-agrikultura sa Colegio San Juan de Letran kung saan natamo niya ang titulong Agricultural Expert noong 1885.. Nakita sa talaan na lahat ng kanyang naging mga grado ay Sobre Saliente. Sa mga tala ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang Scholastic Record ni Panganiban ay higit pang kahanga-hanga kaysa ng kay Rizal. Ipinakikita ng record na ang kanyang mga grado sa mga araling pang-medisina ay Sobre Saliente. Sa pagnanasang madagdagan at mapalawak ang pag-aaral ng medisina, nagtungo siya sa Espanya at nag-aral sa Unibersidad ng Barcelona. Dito niya natagpuan ang kanyang naging matalik na kaibigan, si Graciano Lopez Jaena, kasama sina Mariano Ponce ng Bulacan, Tomas Arejola ng Bicol na naging kaklase niya sa Nueva Caceres. Sa panahon ng kasidhian ng kilusang Propaganda sa Barcelona, higit niyang pinahalagahan ang sumama sa samahang Asosacion Hispano-Filipina na binubuo ng mga Pilipino at liberal na mga Kastila sa masugid na paghingi ng mga reporma.

Nagsulat siya ng mga artikulo sa pahayagang La Solidaridad, at tagapamansag ng Kilusang Propaganda. Ginamit niya ang sagisag sa panulat na JOMAPA at J.M.P.. Ang una niyang artikulo ay may pamagat na El Pensamiento (Thought) kung saan ay binigyang-diin ang kalayaan sa pagpapahayag na kung wala ito ay hindi mauunawaan ng pamahalaan ang hangarin at mithiin ng mga mamamayan. Isa ring makata si Jomapa. Nagsulat siya ng mga tula sa wikang Kastila. Ang una niyang sinulat ay isang oda nang estudyante pa lamang siya sa Seminario ng Nueva Caceres, ang pamagat ay A Nuestro Obispo. Han sa mga tulang sinulat niya ay Noches en Mambulao, Bahia de Mambulao (Mambulao Bay) at Amor Mio. Ang kanyang mga tulang nasulat sa Tagalog ay mababanggit ang Sa Aking Buhay at Ang Lupang Tinubuan . Nagsulat din siya ng Hang maikling kuwento tulad ng Clarita Perez at Kandeng. Isa ring orador si Panganiban. Napakahusay niyang manghikayat sa kanyang mga talumpati kaya't bilang masugid na repormista, sa lahat ng mga okasyon, siya ay nagtatalumpati. Ang layunin ay makahikayat ng mga kapanalig para sa liberasyon ng Pilipinas.Namatay siya sa Barcelona noong Agosto 19, 1890, sa sakit na tuberkolosis, sa edad na 27 lamang. Bilang pagbibigay-pugay at karangalan sa kanya, ang bayan ng Mambulao na siyang pook na kanyang sinilangan ay pinangalanang Jose Ma. Panganiban.

JOSE GARCIA VILLA

JOSE GARCIA VILLA Si Jose Villa Panganiban, isang makata, leksikograpo at lingguwista, ay nagtuon ng pansin sa pagpapaunlad ng ating wika. Tinatawag din siyang Diktador ng Wika (Dictator of the Language), Tsar ng Purismo (Czar of Purism), at Emperador ng Wikang Pambansa (Emperor of the National Language). Bukod sa pagtatag ng Varsitarian noong 1928, itinuturing na pinakamahalagang naiambag niya sa panitikang Filipino ang Ingles-Tagalog na Diksyunaryo, na kinilala bilang pinakatiyak na akda ukol sa Filipino bilang pambansang wika. Bilang pag-alaala sa dating komisyoner sa Wikang Filipino, isinulat ni Dr. Vicente Rosales, Sr., dating punong patnugot ng Varsitarian, ang librong Jose Villa Panganiban (1903-1972): A Personal Memoir.

LEONA FLORENTINO

LEONA FLORENTINO Si Leona Florentino ang unang makatang babae ng Ilocos Sur. Isinilang siya sa Vigan, Ilocos Sur (noon ay Villa Fernandina), noong Abril 19, 1849. Ang kanyang ama ay si Don Marcelino Florentino na kinilalang isa sa mayayaman sa Ilocos noon at ang kanyang ina ay si Donya Isabel Florentino. Si Leona Florentino raw ang katapat nina Elizabeth Barret Browning ng Inglatera at Sappho ng Grecia. Ang maririkit niyang mga tula sa Kastila at wikang Ilokano ay nakasama sa eksibit sa Exposicion General de Filipinas sa Madrid noong 1887 at sa International Exposition sa Paris noong 1889. Ito ang nagbigay sa kanya at sa Pilipinas ng karangalan at dahil sa kinilala ang kanyang kakayahan sa literatura, nakasama siya sa International Encyclopedia of Women's Works, noong 1889. Sa gulang na 10 taon pa lamang ay nakasusulat na si Leona ng mga tula sa wikang Iloko at nakapagsasalita na rin siya ng Kastila. Siya ang pinakamatalino sa pamilya subalit hindi siya nakapag aral sa Unibersidad sapagkat noong panahong iyon (panahon ng Kastila) ang mga paaralan ng mataas na pagaaral ay sarado para sa mga kababaihan -may paniniwala na ang mga babae ay para lamang sa tahanan o kaya ay pagiging madre. Pinaunlad ni Leona ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng iba't ibang aklat hanggang sa makilala niya si Padre Evaristo Abaya na nagturo sa kanya ng higit pang Kastila at humikayat sa kanya na siya ay magsulat ng mga tula. Nakasal si Leona kay Elias delos Reyes na minsan ay nanungkulan bilang Alkalde Mayor ng Vigan. Nagkaroon silang limang anak. Ang pinakamatanda ay kinilala rin sa ating kasaysayan at maging sa larangan ng panitikan. Siya ay si Isabelo delos Reyes, naging senador at sibik lider noong kanyang kapanahunan. Ang mga nakilalang tula ni Leona Florentino ay Rucrunoy, (Dedication), Naangaway a Cablaw (Good Greetings), Nalpay a Namnama (Vanishing Hope), Benigna, Para ken Carmen, Panay Pacada (Farewell), at iba pa. Nakapanghihinayang na ang iba pa niyang nasulat ay nawala. Ang iba ay nasa pambansang aklatan sa Madrid, Londres at Paris. Maagang binawian ng buhay si Leona sa gulang na 35. Namatay siya sa Vigan noong Oktubre 4, 1884. Bagamat namatay nang maaga ay nakilala naman ang kanyang kakayahan hindi lamang dito sa Pilipinas kung di hanggang sa Europa. Siya ang unang Pilipina na nakilala sa buong mundo bilang babaing makata.

Jose Garcia Villa (1908-1997)


Isang makata, kritiko, manunulat ng maikling kwento at pintor, ay isang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan. Siya ay may sagisag-panulat na Doveglion na mula sa Dove, Eagle at Lion. Isa siya sa mga pinakamagaling na magsulat sa Ingles. Kilala siya sa paggamit ng mga matatalim na salita, parirala at pangungusap. Ipinanganak siya noong 5 Agosto 1908 sa Singalong, Maynila at supling nina Simeon Villa at Guia Garcia.

Edukasyon at Karera
Nagtapos si Villa ng pag-aaral sa UP High School noong 1925 at pumasok sa Kolehiyo ng Medisina sa Unibersidad ng Pilipinas. Ngunit hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral ng medisina. Sinasabi na pagpipinta ang naging unang interes ni Villa ngunit siya ay lumipat sa pagsusulat, matapos na mabasa niya ang Winesburg, Ohio ni Sherwood Anderson. Noong 1930, nanalo si Villa sa isang patimpalak sa pagsusulat mula sa Philippine Free Press para sa kanyang Mir-i-nisa at ginamit niya ang kanyang napanalunan salapi upang makapunta sa Estados Unidos. Doon, siya ay nag-aral sa University of New Mexico at pagkatapos, ay sa Columbia University. Nagturo siya sa City College of New York mula 1964-1973. Nagsilbi rin siya sa Philippine Mission to the UN mula 1954-1963 at naging bise-konsul noong 1965.

Mga Naiambag
Koleksyon ng mga Tula
Have Come, Am Here, 1942 Volume Two, 1949 Selected Poems and New, 1958 Poems 55, 1962 Appasionata: Poems in Praise of Love, 1979

Iba pang mga akda


The Best Poems of 1931 Fifteen Literary Landmarks, 1932

at ang mga antolohiya na: Twenty-Five Best Stories of 1928, 1929 The Doveglion Book of Philippine Poetry by Jose Garcia Villa, 1993

Siya rin ay gumawa ng seleksyon ng mga pinakamahusay ng maiikling kwento sa Pilipinas na nakasulat sa Ingles, mula 1927 hanggang 1941. Tinawag ang mga ito na Roll of Honor at lumabas saPhilippines Herald, Philippine Free Press at sa Graphic.

Mga Parangal
American Academy of Arts and Letters' Poetry Award Shelley Memorial Award Guggenheim, Bollingen at Rockefeller fellowships sa pagsulat ng tula Karangalang banggit sa Commonwelth Literary Awards, 1940 Unang gantimpala sa UP Golden Jubilee Literary Contest, 1958 Honorary doctorate of literature sa Far Eastern University, 1959 Rizal Pro-Patria Award, 1961 Republic Cultural Heritage Award para sa tula at maikling kwento, 1962 Honorary doctorate sa panitikan mula sa UP, 1973.

Noong 12 Hulyo 1973, si Villa ay kinilala bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan.

You might also like