You are on page 1of 6

A B S T R A K

Pangalan: Pamagat: ARJOHN VILWAR GIME Mga Istratehiyang Pangguro sa Paglinang ng mga Kasanayan ng mga Mag-aaral sa Pagbasa sa Elementarya Master sa Sining ng Pagtuturo ng Filipino Lydia B. Liwanag, Ph.D.

Degri: Tagapayo:

I. Pangkalahatang Layunin: Layunin ng pag-aaral na ito na maghanda ng mga istratehiyang pangguro na lilinang sa mga kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa elementarya II. Tiyak na Layunin 1. Matiyak ang mga teorya at simulain na pagbabatayan sa paghahanda ng mga istratehiyang pangguro
2. Makapili at masuri ang mga angkop na istratehiyang pangguro

na lilinang sa kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa elementarya


3. Makapaghanda ng mga gawaing pangguro ayon sa mga

istratehiya
4. Mataya ang mga gawaing panggurong inihanda sa paglinang

ng kasanayan sa pagbasa III. Pamamaraan Sa pag-aaral na ito, gumamit ng isang deskriptibong pamamaraan ang mananaliksik para tugunan ang layuning makabuo ng
i

istratehiyang pangguro na lilinang sa kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa elementarya. Kaugnay nito, inilahad rin ang mga sumusunod na hakbang na ginamit ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa gawaing pangguro:
1. Pagsangguni sa mga aklat tungkol sa mga istratehiya sa

pagbasa. Sa hakbang na ito, nangalap ng ibat ibang sanggunian ang mananaliksik para sa pagtiyak ng teorya at simulaing gagamitin sa paghahanda ng gawaing pangguro sa pagbasa. 2. Pagpili ng mga istratehiyang ihahanda sa pagtuturo ng pagbasa Pumili ang mananaliksik ng mga istratehiyang pangguro na lilinang sa pagbasa ng mga mag-aaral ayon sa teorya at simulain nito at sa kasanayang dapat linangin ayon sa Philippine Elementary Learning Competencies, 2010. 3. Pagsusuri at pagtataya ng nabuong mga gawain. Pagkatapos mabuo ng mananaliksik ang mga gawaing pangguro gamit ang ibat ibang istratehiya sa pagbasa, ipinasuri at ipinataya ito sa mga guro sa elementarya at kolehiyo gamit ang tseklist na may iskalang 1 hanggang 4 sa anyong Likert.Tinukoy rin nito ang kabisaan ng pagtataya sa inihandang istratehiyang pangguro sa pamamagitan ng pagkuha ng
ii

weighted mean ng bawat gawaing pangguro. 4. Pagrerebisa ng gawaing pangguro. Nirebisa ng mananaliksik ang mga gawaing pangguro ayon sa lumabas na pagtatayang isinagawa ng mga tagapagsuri nito. Sinunod din ng mananaliksik ang mga mungkahi ng mga tagapagsuri nito bilang batayan sa isinagawang pag-aaral. 5. Pagsulat ng pinal na gawain. Matapos mairebisa ang gawaing pangguro, isinulat ang pinal na gawain ng mananaliksik batay sa mungkahi ng mga tagapagtaya nito. IV. Kinalabasan ng Pag-aaral Batay sa mga nakalap na datos, inilahad ng mananaliksik ang kinalabasan ng pag-aaral na ito: 1. Nakatulong ang teoryang iskema at interaktibo sa

paghahanda ng istratehiyang pangguro upang linangin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa elementarya.
2.

Nailahad at nalinang ang mga kasanayan sa pagbasa na nakapaloob sa Philippine Elementary Learning

Competencies, 2010 gamit ang ibat ibang istratehiya sa pagbasa sa inihandang gawaing pangguro.
3.

Nagtamo ng kabuuang weighted mean (general weighted mean) na 3.74 o may interpretasyong NAPAKAHUSAY ang mga gawaing pangguro na nilapatan ng mga istratehiya sa
iii

pagbasa.
4.

Natukoy sa lumabas na pagtataya na ang pinakamabisang istratehiyang isinagawa sa gawaing pangguro ay ang: (1) Reciprocal Teaching o Palitang Pagtuturo nina

Palincsar(1987); Palincsar at Brown (1984); na sinundan ng (2) REQuest o Palitang Pagtatanong ni Manzo (1969); (3) First Line o Unang Pangyayari ni Beers, (2003). (4) Story Mapping o Mapa ng Kuwento nina Beck ang McKeown (1981); (5) QAR o Ugnayang Tanong at Sagot ni Raphael (1982, 1986) (6) Text Structure o Istruktura ng Teksto ni Meyer (1980); (7) DRTA o Pinatnubayang Pagbasa-Pag-iisip nina Stauffer at Harrel (1975) (8.5) KWL o AGN ni Ogle (1986); (8.5) Fishbowl Discussion o Talakayang Fishbowl (Green, 2000) at (10) Anticipation Guide o Gabay sa Paghihinuha ni Head at Readance(1986).
V. Kongklusyon

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, nakabuo ang mananaliksik ng mga sumusunod na kongklusyon. 1. Nakatulong ang mga batayang teorya at simulain sa pagbasa sa pagsasagawa ng mga gawain sa paglinang ng kasanayan ng mga mag-aaral.
2.

Nakatulong nang lubos ang mga istratehiyang pangguro na inihanda upang linangin ang kasanayan sa pagbasa ng mga
iv

mag-aaral sa elementarya.
3.

Napatunayan na sa pagsasagawa ng ibat ibang istratehiya sa gawaing inihanda ay naipakita ang interaksyon ng mga mag-aaral sa gawaing pagbasa.

4.

Nagpakita ng isang makahulugan at interaktibong gawain sa tunay na kalikasan panggurong nabuo. ng pagbasa ang mga gawaing

5. Naging mabisa ang mga istratehiya sa pagbasa ayon sa pagtatayang isinagawa ng mga piling guro sa elementarya at kolehiyo.
6.

Nailahad ang mga gawaing pangguro nang malinaw na binubuo ng mga hakbang, bago, habang, at pagkatapos bumasa.

7.

Nakatulong na magkaroon ng tiyak na layunin sa pagbasa ang mga mag-aaral na paggagamitan ng mga gawaing

pangguro. VI. Rekomendasyon Batay sa kinalabasan ng pag-aaral at kongklusyon sa pananaliksik na ito, narito ang mga rekomendasyon: 1. Iminumungkahing maipagamit at masubok ang inihandang mga istratehiyang pangguro sa mga paaralang elementarya. 2. Inaasahang sa mga susunod na pananaliksik ay magkaroon pa ng pagpapaunlad sa mga istratehiyang panggurong
v

inihanda

sa

pamamagitan

ng

paglalagay

ng

mga

karagdagang gawain (extension activities) sa bawat aralin kung saan maiuugnay ang pokus na kasanayan sa iba pang makrong kasanayan (pakikinig, pagsasalita, panonood at pagsulat) 3. Maaring makapaghanda ng iba pang gawaing pangguro sa ibat ibang baitang o antas na pinagtuturuan gamit bilang modelo ang kasalukuyang pananaliksik. 4. Magkaroon ng iba pang pag-aaral sa tamang paggamit ng istratehiya sa mga uri ng teksto (naratibo at ekspositori), kayariang panteksto (text features) at panandang biswal (visual markers) para sa lalong pagpapalawak ng pag-aaral na ito; 5. Magkaroon ng iba pang pag-aaral sa paggamit ng ibat ibang istratehiya sa pagbasa sa sekondarya at kolehiyo.

vi

You might also like